Chapter 62: The Plan

9.9K 359 20
                                    

Ice Pov~

"May ipinadalang balita ang anak ni Torne, Magtatawag daw ng Pangkalahatang meeting si June sa susunod na lunes sa tapat ng Building ng eskwelahan. Sa tingin ko magandang pagkakataon ito upang gawin natin ang plano natin."- saad ni Tito Jano.

"Sinabi ng Anak nila Rey at Rica na hawak ng anak ni Daniel ang iba pang grupo sa paaralan, makakatulong sila sa gagawin natin."- saad naman ni Tito Lito.

"Simple lang ang napagplanuhan namin kasama ang anak nyo Annaliza at Dante, At kasama dun ang Lahat ng estudyante sa DIA na ilalagay natin sa panig natin. Oras na magawa natin yun mas rarami pa tayo at malaki na agad ang lamang natin kay June. Malaki ang Tsansa na manalo tayo."- saad naman ni Tito Gener.

"Sa tingin nyo ba magagawa nating ilagay sa panig natin ang mga estudyante? Paano kung lasunin ni June ang mga isip nila?"- saad ni Tito Vicente.

Bumuntong hininga naman ako.

"May utak naman yata ang bawat estudyante sa DIA, Oras na malaman nila ang totoo at kung sino talaga ang kalaban.... Sa tingin ko naman sa tama sila papanig. Maaaring may ilan na sasama sa atin at may ilan na hindi, pero ang mahalaga at importante dito ay ang magtagumpay tayo. Kahit gaano man karami ang kalaban, lalaban parin tayo. Hindi malaking hadlang ang dami ng kalaban, Kung malakas at mautak tayo, Tayo ang mananalo."- saad ko.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon