Chapter 59: Goodbye

8.9K 301 14
                                        

Devin Pov~

'May sasabihin ako sayong importante! Kunwari napaluhod ka dali!'

'A- anong sasabihin mo!'

'Ginawa ko 'to dahil kay Ice, Sinadya kong tayong dalawa lang ang maglaban dahil sa kanya! Ipakita mo sa kanya na desidido kang talunin ako. Talunin mo ko agad sa mabilis na paraan! At pagkatapos, Oras na manalo kayo sumuko ka. Isugal mo kung anong maaari mong isugal. Kailangan ni Ice na magkaroon ng inspirasyon upang makapag-isip na sya agad ng paraan, at ikaw.... Ikaw lang ang epektibo upang maging inspirasyon nya.'

'Sigurado ka bang tatalab yan?'

'Oo naman, mahal na mahal ka nya. Hindi nya hahayaan na maiwan ka dito, mababaliw sya sa kaiisip sayo at sa kaligtasan mo kaya naman siguradong makakaisip na sya ng paraan. Sa ngayon kailangan nya munang mawala dito sa DIA, Nakikita mo ang lalaki na nakaupo sa kanan ng Headmaster? Sya si Mr.Bueno. Patay na patay yan kay Mrs.Killiano kaya naman tandang-tanda nya ang mukha nito at di nya yun makakalimutan. Kamukha ni Ice ang ina nya, oras na mamukhaan ni Mr.Bueno si Ice tapos na! Kaya naman kailangan munang mawala dito ni Ice. Sumuko ka pagdating sa laban nyo!'

'Sige, gagawin ko.'

Napabuntong hininga naman ako nang maalala ko ang nangyari kahapon ng magharap kami ni Vince sa loob ng kulungan na ipinagawa ng Headmaster.

"Maging tagumpay kaya ang plano ni Vince...."- bulong ko.

Nandito ako ngayon sa Rooftop ng School. Inaabangan ko ang Eroplano. Kailangan kong makita ang pag-alis nito upang makita ko at masiguro kong nakaalis si Ice dito sa DIA.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon