Chapter 8: Punishment

13.5K 431 4
                                    

Grey P.O.V

"Damn it! Nasaan si Ice? Hindi siya umuwi dito kagabi!"- saad ni Ylana na kanina pa hindi mapakali.

Kahapon, matapos umalis ni Ice para bumili ng pagkain, ilang sandali lang ay narinig namin ang boses niya sa buong Academy. Nang malaman namin na galing sa music room yun ay kaagad kaming nagtungo dun nila Ashlie at Ylana pero pagdating namin dun, wala kaming naabutan. Walang tao sa music room.

Hinanap namin siya pero di namin siya nakita, hindi siya pumasok sa klase hanggang sa nag-uwian. Pagbalik namin dito sa dorm, wala parin siya. Natulog kami kahit wala siya dahil pumasok sa isip namin na baka may mahalaga siyang ginagawa kaya ganun at tiwala kaming uuwi rin siya pero damn! Umaga na pero WALA SIYA! walang bakas na umuwi siya dito!

"Sa tingin ko kailangan na nating maghanap sa buong Academy, magtanong-tanong narin tayo."- saad ni Ashlie.

"Sige."- saad ni Ylana na kabadong-kabado.

Paglabas namin, nagulat kami ng tumambad samin si Brent. Seryoso ang mukha nito.

"Hinahanap niyo si Ice?"- saad nito.

Tumango naman si Ylana.

"Alam mo ba kung nasan siya?"- tanong ni Ylana kay Brent.

Tumango naman si Brent.

"Sa fifth floor, yung pinakadulong silid doon. Yung may nakalagay na Darkness Room sa pinto, nandun siya."- saad ni Brent.

Napakunot naman ako ng noo.

"Why? Bakit siya nandun?"- kunot noo kong sabi.

"Punishment, pinarusahan siya ng Hari. Ikinulong siya dun."- saad ni Brent sabay labas niya ng tatlong face mask.

"Suotin niyo yang mga yan pagdating niyo dun, bilisan niyo na. Baka maabutan niyong wala ng hininga ang pinuno niyo."- saad ni Brent sabay talikod niya at lakad paalis.

Nagkatinginan naman kami nila Ashlie at Ylana.

"Shit! Bilisan niyo!"- sigaw ko sabay takbo.

Agad din naman silang tumakbo.

Pagdating namin dun, agad naming isinuot ang mga face mask na ibinigay samin ni Brent at pumasok sa loob ng silid.

Pagpasok namin, isang napakadilim na silid ang tumambad samin. Sarado ang mga bintana, patay ang mga ilaw at sobrang dilim.

Napatakip naman ako sa ilong ko ng may maamoy akong hindi kaaya-aya.

Damn ano yun? Nakamask na ko pero naaamoy ko parin!

"Ilaw."- saad ko.

Agad namang kinuha nila Ashlie at Ylana ang kanilang mga cellphone at binuksan ang flashlight nito. Pagkatapos, agad nilang inilawan ang buong paligid.

"What the!"- nasambit ko na lamang ng makita kong puro dugo sa loob ng silid na ito.

Isa pa, may mga bangkay pa dito!

"A- ang baho!"- saad ni Ashlie.

Agad ko namang inagaw yung cellphone ni Ashlie sa kanya at taranta kong hinanap si Ice.

Hanggang sa nanlaki na lamang ang mga mata ko ng makita ko si Ice na nakaupo at nakasandal sa isang sulok. Puro dugo ang damit nito at may telang nasa leeg niya na sa tingin ko ay ginamit niya pantakip sa ilong niya. Bukod pa dun, wala siyang malay.

"Ice!"- sigaw ko sabay takbo ko papunta sa kinaroroonan niya.

"Ice gumising ka!"- saad ko sabay alog ko sa kanya ngunit hindi siya nagising.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon