Chapter 13: No, She's Not

13.4K 423 13
                                    

Devin P.O.V

"Ngayon natin gagawin ang checking, pagkatapos natin icheck ang mga babaeng estudyante ang mga babae na kasama sa grupo naman ang isusunod. Nandyan sa papel na ibinigay ko sa inyo ang mga room na naka-assign sa inyo, alam niyo na ang gagawin niyo."- saad ko sa lahat ng grupo.

Nagsalita naman si Vince.

"Hayy! Hindi ba talaga pwedeng ako nalang ang magcheck kay I--"- saad ni Vince na hindi natuloy ang sasabihin sapagkat tinignan siya ng masama ni Ashlie at ni..... Reigen?

"Sabi ko nga hindi pwede."- saad ni Vince.

"Rei? Peace tayo."- saad ni Vince kay Reigen sabay peace sign.

"Peace mo mukha mo."- saad ni Reigen sabay irap niya kay Vince.

Napakunot naman ako ng noo.

Anong meron?

"Okay! Simulan na natin ng matapos na."- saad ni Luis sabay tayo niya at hawak sa kamay ni Reigen.

"Tayo na Babe."- saad ni Luis at pagkatapos umalis na sila.

Napapikit naman ako.

Bwiset!

"Tara na."

Napamulat naman ako ulit ng mata ng narinig kong magsalita si Ice.

Pagkatingin ko kay Ice, bigla ko na lamang naalala ang sinabi sakin kahapon ng Headmaster.

'Devin, ikaw nang bahala kay Ice. Icheck mong mabuti ang likod niya.'

Ikaw ba talaga ang nawawalang Reyna kaya ganun na lang ang paghihinala sayo ng Headmaster? Pwes, aalamin ko mamaya.

"Ice gusto mong... ayy teka! Wag na nga lang. Malalagot ako kaya wag na lang talaga, nevermind! Wolves, tara na!"- saad ni Vince sabay lakad paalis.

Pagkawala ng Wolves, nagsalita si Ashlie.

"Alam mo Ice, napakafeeling close nung lalaking yun."- saad ni Ashlie.

"Tss.. hayaan mo siya, may pakiramdam ako na close talaga kami."- saad ni Ice.

"What do you mean?"- tanong ni Ylana.

Nagkibitbalikat naman si Ice.

"Ewan, di ko maintindihan. Tara na nga."- saad ni Ice sabay lakad paalis, sinundan naman siya kaagad ng mga kasama niya.

"Okay? Mukhang nagkakaroon sila ng magandang ugnayan."- saad ni Brent.

Tumayo naman ako mula sa kinauupuan ko.

"Tsk! magtrabaho na tayo."- saad ko.

Forward>>>

"Wala?"- kunot noo kong sabi.

Sabay-sabay namang nagtanguan ang lahat ng pinuno ng bawat grupo.

"Satin din, wala rin tayong nakita."- saad ni Brent.

Bumuntonghininga naman ako.

"Kung ganun, kayong mga babae na kasama sa grupo na lang ang hindi pa natitignan. Maaaring isa sa inyo."- saad ko sabay tingin ko kay Ice na walang kaemo-emosyon.

"Oh hindi naman, sadyang wala pa dito ang Reyna."- saad ko sabay alis ko na ng tingin ko kay Ice.

Wala silang nakita sa mga estudyante na may balat o tattoo sa likod na katulad ng meron ang nawawalang Reyna, dahil dun tila nagkakutob din ako. Hindi kaya tama ang hinala ng Headmaster?

"Simulan na natin ang pagchecheck sa mga babaeng nandito."- saad ko sabay tayo ko at lakad ko palapit kay Ice.

Pagkalapit ko kay Ice agad siyang tumingin sakin ng diretso sa mata.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon