2 Months Later~
"Yes! Yes! Magiging Ama na ko!!"- sigaw ni Bryan ng sabihin sa kanya ni Ashlie ang Balita.
Nagpoker face naman si Ashlie.
"Ang bata ko pa.... Wala pa ko sa 20! Gusto ko pang mag-aral, Hindi ako nakaligtas sa sandata ng hinayupak. Isa pa.... hindi pa kami kasal!"- emote ni Ashlie kay Ylana.
Natawa naman si Ylana at hinampas ng mahina si Ashlie.
"Ayos lang yan, tignan mo tuwang-tuwa oh! Papakasalan ka nyan."- saad ni Ylana kay Ashlie.
Pagkasabi ni Ylana nun, bigla na lamang binuhat ni Bryan si Ashlie.
"Ayusin mo na mga papeles mo magpapakasal na tayo!!"- saad ni Bryan.
Namula naman si Ashlie.
"H- Hindi ka naman masyadong Excited!"- saad ni Ashlie.
Nagtawanan naman sila Ylana, Brent, Alex at Grey.
"Oy! Oy! Anong meron?"- saad ng kararating lamang na si Reigen kasama si Luis.
"Magiging tatay na ko."- diretsahang saad ni Bryan at kung isa lamang sya sa mga anime ay malamang may mga glitters na sa paligid nya.
Nagulat naman sina Reigen at Luis.
"Talaga? Buntis ka Ashlie?"- gulat na saad ni Reigen.
Tumango naman si Ashlie.
"O- Oo, nag-take na ko ng PT at dalawang beses ko pa yung ginawa. Positive."- saad ni Ashlie.
Ngumiti naman si Reigen.
"Pareho pala tayo Bryan, magiging tatay na tayo!"- saad ni Luis.
Nagulat naman sila sa sinabi ni Luis.
"Buntis karin Ate Rei?"- gulat na saad ni Ashlie kay Reigen.
Nakangiti naman itong tumango.
"Oo! 3 Weeks na!"- saad ni Reigen.
"Mga nagkakabuntisan na! Inggit ako!"- saad ni Brent sabay yakap kay Ylana mula sa likod.
Siniko naman sya ni Ylana.
"Inggit ka? Ikaw magbuntis."- saad ni Ylana.
Napakamot naman sa ulo nya si Brent.
"Bakit ba under ako."- saad nito sabay nguso.
Nagtawanan naman ang iba.
"Pasensya ka, tulad ko gusto mo eh."- saad ni Ylana sabay Cross arms.
"Halimaw."- saad ni Ashlie sabay tawa.
Tinignan naman ng masama ni Ylana si Ashlie.
"Gusto mong mabanatan?"- saad ni Ylana kay Ashlie.
Ngumisi naman si Ashlie.
"Hindi porket buntis ako hindi kita lalabanan! Ano? Suntukan? Sabunutan? Umpugan?"- saad ni Ashlie.
Nagsalita naman si Grey.
"Ang lalaki nyo na, yung isa magkakaanak na pero mga isip bata parin kayo. Away ng away."- saad ni Grey.
Nagpalakpakan naman sina Reigen, Luis, Bryan at Brent.
"Tama! Tama!"- tumatawang saad ni Brent.
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Gizem / GerilimHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano, an adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves- the biological child of the Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks t...
