Chapter 15: Foundation and Valentines Day

13.3K 421 7
                                    

Ashlie P.O.V

February 14...

Araw ng mga puso ngayon, isang buwan na simula ng pumasok kami dito nila Ice ng kusa para iligtas ang kapatid niya sa mga umampon sa kanya. Sa loob ng isang buwan, marami na ang nangyari. Nakakaisang laro pa lamang kami sapagkat matapos magbabala ng Headmaster ay bigla na lamang siyang nanahimik, walang patayan na naganap matapos nun. Hanggang ngayon na may ipinagdiriwang dito sa DIA na akalain mo nga naman eh nag-eexist pala dito.

Ang Valentines Day.

"Ashlie, pakiabot nga nung binoculars."- saad sakin ni Ice.

Agad ko namang kinuha yung binoculars sa gilid ko at iniabot kay Ice.

"Hmm... mukhang ayos naman ang lahat, ang sasaya nila."- saad ni Ice.

Tumingin naman ako sa ibaba.

Well, nasa balcony kasi kami ng school. sinabihan kami kanina ng Hari na dito muna daw kami at bantayan ang mga estudyante sa labas kung saan namin inilagay ang Food Court. Hanggang 10am lang naman kami dito, and it's already 9:30am. 30 minutes na lang pwede na kaming makihalo-bilo sa mga estudyante sa ibaba.

"Kamusta na kaya sa field, ano na kayang nangyayari sa soccer."- saad ni Ice sabay inom niya sa hawak niyang nestea.

"Di kasi natin pwedeng ma-contact ang Red Skull, walang signal eh. Isa pa, wala tayong number nila."- saad ko.

"Hmm... ayos naman siguro dun. Sa gymnasium naman, siguro ayos din ang basketball na nagaganap. Dark Cards ang nagbabantay wala naman sigurong magkakainitan."- saad ni Ice.

May bigla naman akong naalala.

"Ice! Siya nga pala, wala pang sagot si Headmaster sa sulat na iniwan natin sa desk niya. Baka ayaw niyang mag-Judge sa pageant mamayang gabi, kumuha na lang kaya tayo ng iba na papalit sa kanya?"- saad ko.

May dinukot naman si Ice mula sa bulsa niya.

"Pumayag na sya."- saad ni Ice sabay pakita sakin ng sulat mula kay Headmaster.

Hindi naman na ko nagsalita.

"Pagkatapos niyang magbabala di na ulit narinig ang boses niya sa buong school, di rin siya nagpapakita sa kahit na sino kahit sa Dark Cards. Ngayon lang ulit siya makikita ng lahat matapos niyang magkulong sa kwarto niya sa loob ng opisina niya kaya naman siguraduhin nating magiging maayos ang lahat mamaya."- saad ni Ice.

"Masusunod."- saad ko sabay ngiti.

Ngunit nawala rin agad ang ngiti ko ng may tumawag sa pangalan ko na isang impakto.

"Ashlie Kim Mendez!"- sigaw ni Bryan mula sa ibaba.

Agad naman akong tumingin sa ibaba at nakita ko siya dun na ngiting-ngiti.

Pinagtitinginan siya ng mga estudyante.

"Kailangan mo?"- saad ko.

Bigla naman siyang ngumisi.

"Ready na yung kissing booth dun sa garden, pati marriage booth tsaka photobooth! Tsaka yung lahat ng booth na may kaugnay sa love! Punta tayo dun!"- sigaw niya.

What the Fuck!

Tumingin naman sakin yung mga estudyante sa ibaba dahil sa impaktong 'to.

"Pumunta ka dun mag-isa! Impakto ka!"- sigaw ko.

Bigla naman siyang ngumisi at sumigaw.

"Bryan Knights!"- sigaw niya at pagkatapos sa isang iglap lang, ang dami ng babae sa likuran niya.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon