Chapter 24: Sisters

12.6K 415 6
                                        

Reign P.O.V

"Anong balita?"- tanong ko kila Ashlie, Grey at Ylana.

Nandito kami ngayon ng Red Skull at pati ng Wolves sa tapat ng dorm nila Ice. Ala sais pa lang nagtungo na kami dito, 6:30 ang pasok ngayon.

Kinakabahan ako, pakiramdam ko may hindi magandang nangyari sa kapatid ko.

"Walang Ice na umuwi dito kagabi, wala parin siya hanggang ngayon."- saad ni Ylana na halata ang takot sa mukha.

"Nung unang beses na nangyari 'to halos mamatay na siya nung nakita namin siya. Ano naman ngayon!"- tila naiiyak na saad ni Ashlie.

Napakuyom naman ako ng kamao ko.

"Kapag may nangyaring hindi maganda sa kapatid ko sinisiguro kong malalagot ang may sala!"- saad ko.

"Reigen, nagtatakbuhan yung mga estudyante sa ibaba. Ano kayang nangyayari?"- saad sakin ni Vin.

Tumingin naman ako sa ibaba mula sa balkonahe ng dorm nila Ice.

Nagtatakbuhan nga ang mga estudyante. At tila, iisa ang direksyon na pinupuntahan nila. Papunta sila sa labas ng building ng school.

"Papunta silang lahat sa labas ng building ng school, kinukutuban ako ng masama dito. Halika, pumunta rin tayo dun. Kayong tatlo, sumama rin kayo!"- saad ko sa mga kaibigan ni Ice.

Tumango naman sila. Matapos nun, nagtungo na kaming Red Skull sa pinupuntahan ng mga estudyante kasama ang Wolves at ang mga kaibigan ni Ice.

Pagdating dun...

Tila naistatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang taong hinahanap ko.

"Ice!"- sigaw ko.

xxxxx

Devin P.O.V

"Anong nangyayari?"- saad ko nang paglabas namin ng Cards sa opisina namin ay nakita naming nagtatakbuhan ang mga estudyante.

Iisa lang ang direksyon na tinatahahak ng mga ito.

"May bagong laro ba? Wala akong narinig."- saad ni Brent.

"Tss.. Ang mabuti pa, sundan na lang natin yang mga estudyante na yan na tumatakbo nang malaman natin kung anong nangyayari."- saad ni Alex.

"Mabuti pa nga."- saad ni Bryan sabay tingin sakin.

"Ano King?"- saad sakin ni Bryan.

Bumuntonghininga naman ako.

"Tara."- saad ko at pagkatapos, sinundan nga namin yung mga estudyanteng tumatakbo.

Pagdating lobby, sobrang daming estudyante. Tila may pinagkakaguluhan sila sa fountain.

"Padaanin ang Hari!"- sigaw ni Bryan.

Napatingin naman samin ang mga estudyante at pagkatapos ay agad silang nagtabihan. Nang mapunta na kami sa pinakaharap, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"T- teka.. si Ice yan diba?"- saad ni Brent.

"A- anong nangyari sa kanya?"- saad naman ni Bryan.

Nakagapos, walang malay at naliligo siya sa dugo. Tila naging kulay pula ang lahat sa kanya...

Anong ginawa ng Headmaster!

"Ice!"- sigaw ng isang babae.

Pagtingin ko...

"Reigen!"- sigaw ni Luis sabay sunod niya kay Reigen na tumakbo palapit kay Ice.

"S- sinong gumawa sa kanya nito!"- sigaw ni Reigen kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon