Chapter 21: First Defeat

14.1K 437 23
                                        

Author's Point Of View

"Ayan, ayos na!"- saad ni Bryan pagkatapos niyang ikabit ang pin niya sa kaliwang bahagi ng polo niya.

"Ingatan niyo yan, hindi natin alam kung anong grupo ang nakabunot satin. Mabuting maging handa at alerto tayo."- saad ng Hari sabay suot niya ng isang wrist band at kabit doon ng pin niya.

"Baka mamaya ang Red Skull ang nakabunot satin., kailangan talagang maging alerto tayo."- saad ni Alex.

Bumuntonghininga naman si Bryan.

"Ang ganda nitong pin, kitang-kita yung simbolo nating Dark Cards dito tapos ang ganda pa ng font na ginamit para sa pangalan natin."- saad ni Bryan.

"Kaya ingatan mo."- saad naman sakanya ni Brent.

Tumingin naman ang Hari sa orasan.

"Maghiwa-hiwalay na tayo, kunin na natin yung mga pin ng Majesties."- saad ng Hari.

Tumango naman sina Bryan, Alex at Brent.

"Tayo na."- saad ng Hari at pagkatapos ay lumabas na sila ng silid nila at naghiwa-hiwalay.

Lingid sa kanilang kaalaman, may mga taong kanina pa naghihintay na sila ay lumabas.

"Yan na, kayo nang bahala."

"Sige!"

~

"San ka pupunta?"- tanong ni Grey kay Ashlie.

Ngumiti naman ito.

"Dun sa lungga ng taong na-aasign sakin, nalaman ko kasi kung saan siya palaging tumatambay."- sagot ni Ashlie.

"Ganun ba? sige galingan mo."- saad ni Grey.

Tinaas naman ni Ashlie ang kamay niya na parang siya si darna.

"Fighting!"- sigaw ni Ashlie sabay takbo niya patungo sa lugar ng target niya.

'Magaan ang pakiramdam ko, at dahil dito sa tingin ko magagawa ko ng matagumpay ang plano naming super ganda katulad ko! Charr lang.'- ang nasa isip ni Ashlie.

Pagdating ni Ashlie sa tapat ng pintuan ng tambayan ng target niya, nagpabango muna siya sa katawan at nag-spray ng pampabango sa bunganga. Pagkatapos nun, inayos niya ng kaunti ang buhok niya at huminga ng sobrang lalim sabay buga.

"Kaya ko 'to."- bulong ni Ashlie sabay pasok niya sa loob ng tahimik.

Pagkapasok niya, agad siyang tumingin sa paligid.

'It's time to make silip-silip *evil smile*'- sa loob-loob niya.

"Wala."- mahina niyang saad pagkatapos niyang silipin ang cubicle no.1 sa cr ng girls.

Tama, nasa cr nga ng girls si Ashlie sapagkat napag-alaman niyang dito ang lungga ng target niya.

"Wala, wala."- mahina niya ulit na saad pagkatapos niyang masilip ang cubicle no.2 and 3.

Bigla naman siyang nakarinig ng kakaibang tunog na nakapagpa-excite sa kanya.

'Live shooooooow!'- ang nasa isip niya.

Dahan-dahan naman siyang naglakad papalapit sa cubicle na pinanggagalingan ng tunog, sa cubicle no.6! Pagdating dun, agad siyang sumilip sa ilalim at napangiti na lamang siya ng makita niyang...

May apat na paa.

"Gotcha."- pabulong niyang sabi sabay tayo niya ng maayos at ayos niya sa sarili niya.

'Kaya mo yan Ashlie! Ang ganda-ganda mo! *smirk*'- sa loob-loob niya.

Lumakad naman siya nang dahan-dahan patungo sa harap ng salamin at inilabas ang kanyang mga pampaganda mula sa bag niya upang palabasin na nag-aayos siya ng kanyang sarili ng ma-notice niya ang mga tao sa cubicle no.6.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon