Chapter 42: Red Mask

11.4K 333 9
                                    

Vince Pov~

"Reign! Wala ka bang gagawin? Hahayaan mo na lang yung kapatid mo na nakikipagmabutihan dun kay El Greco!"- pagtataas ko ng boses pagkapasok ko sa Dorm ng Red Skull.

Tinignan naman ako ni Reigen na nakaupo sa sofa at may binabasa na libro.

"Tss... wag mo nga kong tawagin sa pangalan na yan! May makarinig sayo!"- saad nya.

Nilapitan ko naman sya.

"Sagutin mo ko, wala kana bang gagawin dun sa pagiging malapit nung dalawa?"- saad ko.

Bumuntong hininga naman sya.

"Kapag pinagsabihan ko sya ulit malamang na hindi na naman sya makikinig, Isa pa may away pa sa pagitan naming dalawa. Kapag nangealam na naman ako baka lalo pang lumaki ang away namin. Ayokong mangyari yun..."- saad ni Reigen sabay bitaw nya sa librong binabasa nya.

"Bakit hindi ikaw ang kumilos? May gusto ka kay Ice kaya ka galit na galit sa pagsasama nung dalawa. Alam mo kasing talo ka."- saad ni Reigen sabay tingin sakin ng pang-asar.

Napakuyom naman ako ng kamao.

"Wala ka ring magagawa diba? Matigas ang ulo ni Ice, kung anong ginusto nya yun ang gusto nya. Dapat alam mo yun diba?"- saad ni Reigen.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon