Ashlie P.O.V
"Ano ba! Hindi mo ba sasabihin samin kung sinong gumamot sa kapatid ko?"- pagtataas ng boses ni Ate Rei sa Nurse.
Umiling naman ang Nurse, ibig-sabihin hindi niya talaga sasabihin. Napakuyom naman ng kamao si Ate Rei, tila gustong-gusto na niyang saktan yung Nurse.
Nakabalik na kami ngayon sa clinic mula leisure room, humingi samin ng tawad ang tatlo sa Cards na sina Alex, Brent at Bryan. Pero kahit humingi sila ng tawad, hindi parin yun sapat para mawala ang galit namin sa pinuno nila. Sinabi nilang hindi si Devin ang gumawa nun, si Devin lamang daw ang dumukot kay Ice pero hindi daw nito sinaktan si Ice.
Pero kahit ganun, may kasalanan parin ang Pinuno nila. May parte parin ito sa nangyari.
Bigla namang tumayo si Ylana mula sa kinauupuan niya at nilapitan yung Nurse at pagkatapos, sa isang iglap lang sobrang pula na nang magkabilang pisngi ng Nurse.
"Peste, wala kaming gagawing masama sa gumamot kay Ice! Magpapasalamat kami sa kanya kung sino man siya!"- pagtataas ng boses ni Ylana sa Nurse.
Pero nanatiling walang imik ang Nurse, hindi talaga siya magsasalita.
"Mukhang alam ko kung sino."- saad ni Kris.
Napatingin naman kami sa kanya.
"Sa tingin ko si Devin, ginawa niya ang panggagamot nung ipinatawag tayo ng tatlo niyang kasamahan para humingi satin ng tawad dahil sa ginawa ng pinuno nila. Sa tingin ko yung pagpapatawag satin ay planado, pinaalis tayo dito nang sa ganun ay magamot niya si Ice."- saad ni Kris.
Nagsalita naman si Vince.
"At bakit naman niya gagamutin si Ice?"- saad ni Vince.
Nagkibitbalikat naman si Kris.
"Ewan, siguro nakonsensya siya kasi diba isa siya sa may kasalanan sa nangyari kay Ice."- saad ni Kris.
Natahimik naman si Vince na tila napaisip.
"May konsensya din pala siya..."- saad ko.
Nagsalita naman si Ate Rei.
"Tsk! Reapers, ngayon nakita niyo na! Totoong masama si Devin, masama silang Dark Cards! Kaya layuan niyo sila, wag kayong magiging mabait sa kanila dahil masasama sila!"- saad ni Ate Rei.
Napatingin naman ako sa kanya, at pagkatapos nagkatinginan kami nila Grey at Ylana at sabay-sabay na napangisi.
Napag-usapan na namin 'to kanina habang naglalakad pabalik dito, nakapagdesisyon na kami.
"We already know that."- saad ko.
"Nakapagdesisyon na kami, pangalawang beses na nila 'tong ginawa sa pinuno namin. Hindi na nakakatuwa."- saad ni Grey.
"Lumabas na ang mga demonyo kung lalabas, magpapademonyohan kaming lahat dito."- galit na saad ni Ylana.
"Mukhang masaya 'to."- saad ni Kris sabay ngisi.
Bigla namang nag-bell kaya nagkatinginan kaming lahat.
"Sinong maiiwan dito?"- saad ko.
Nagtaas naman ng kamay si Vince.
"Ako na, babantayan ko siya."- saad ni Vince.
Hinawi naman siya ni Ate Rei.
"Ako magbabantay sa kapatid ko."- saad ni Ate Rei.
"Susunduin na lang kita dito mamaya."- saad ni Luis kay Ate Rei.
Tumango naman si Ate Rei kaya't hinalikan na siya ni Luis sa pisngi at pagkatapos ay umalis na ang Red Skull.

BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Misterio / SuspensoHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano. An adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves, the biological child of Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks that...