Ice P.O.V
"S- sorry."- saad ko sa babaeng nabangga ko.
Umayos naman ito ng tayo at tinignan ako.
"Tch! another stupid rookie."- saad nito kasabay ng pagkunot ng kanyang noo.
"Tabi."- kunot noo nitong sabi sabay taboy samin na animo'y isa kaming mga hayop.
Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko na tila inis dahil sa inasta nitong babaeng nasa harapan namin.
Parang ayaw nilang tumabi.
"Tatabi kayo o hindi kayo magtatagal sa mundong 'to."- banas na saad nung babae.
Bumuntonghininga naman ako at agad kong tinulak ang mga kaibigan ko paalis sa daanan nung babae.
"Pasensya na, di ko sinasadyang mabangga at mainis ka. Pwede ka ng dumaan."- kalmado kong sabi sabay sulyap ko sa mga kaibigan ko na nakatingin sakin at tila sinasabing 'bat hindi ko patulan 'tong babaeng kaharap namin.
Tss.. hindi ba nila nakita yung larawan nitong babaeng 'to dun sa bulletin board? Hindi sa natatakot ako dito sa babaeng 'to, ayoko lang na sa unang araw na makikipagpatayan kami which is in thursday ay isa agad sa Dark Cards ang makakalaban namin. Maging kalmado muna ngayon, saka na ang pagpapakademonyo.
"Tch! Pinatagal pa tatabi rin naman pala."- banas na sabi nung babae sabay alis.
Agad namang hinawakan ni Grey si Ashlie na tila gustong sugurin yung babaeng yun na tatawagin kong Alex.
"Bwiset na impaktang babaeng yun! Yarug sakin yun."- saad ni Ashlie pagkawala nung babae.
"Kaya mo ba? Siya yung nag-iisang babae sa Dark Cards."- sabi ko.
Natigilan naman si Ashlie kaya binitawan na siya ni Grey.
"I- isa siya sa Dark Cards?"- saad ni Ashlie.
Tch. Hindi nga nila nakita.
"Hindi niyo nakita yung larawan nya dun sa bulletin board kanina? Alex Jean Rioza ang pangalan niya."- saad ko sabay ayos ko ng tayo.
"Anyways, tara na."- sabi ko sabay lakad ko ulit.
Hindi naman na sila nagsalita at sumunod na lang sakin.
Pagdating sa room, lahat ng kaklase namin nakatingin samin na animo'y lalamunin kami ng buhay.
"Papatulan ko 'tong mga 'to."- bulong sakin ni Ashlie.
"Tss.. walang kikilos ng hindi ko sinasabi."- saad ko.
Ngumuso naman sya.
"Okay."- nakanguso niyang sabi.
Pagkaupo namin sa pinakadulo, may lalaking biglang tumayo.
"Kumpleto naba tayo?"- saad nito.
"No President Jay, wala pa po si Bryan."- saad nung babaeng nasa harapan ko.
"Hayy! Nasaan na naman siya? tuwing first day of class palagi siyang huli. Naunahan pa siya ng mga new students."- saad nung lalaki na si President Jay nga daw ang pangalan sabi nitong babaeng nasa harapan ko.
"Baka kasama pa po ng Hari, diba kada taon tuwing first day of class nagmi-meeting sila? Baka nasa meeting pa po nila siya."- sabi naman nung babaeng nakaupo sa harapan ni Ashlie.
"Kung ganun nga yari tayo, ayaw ni Ma'am Palaez na dadating siya ditong kulang tayo ng isa. Anong gagawin natin?"- saad ni President Jay.
Bigla naman akong nakaramdam ng banyo kaya nagtaas ako ng kamay, nagtinginan naman sakin lahat.
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Mystery / ThrillerHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano, an adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves- the biological child of the Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks t...
