Chapter 43: King

10.9K 351 9
                                        

Devin Pov~

'Hindi ako sigurado kung dapat ko bang sabihin sayo 'to. Weird mang pakinggan pero..... alam mo kasi... M-- May nararamdaman akong kakaiba.....'

'Gusto ni Ate na layuan kita, Balak kong sundin yun pero hindi ko nagawa. Tuwing nakikita kasi kita, may kakaiba akong nararamdaman. Alam mo yung Feeling ng matagal mo ng kilala ang isang tao? Ganun ang nararamdaman ko tuwing nakikita kita. Kaya naman.... hindi kita nilayuan.'

'Hindi lang sayo, Maging kay Vince rin. Nagalit ako sa kanya kanina pero wala akong balak na layuan oh iwasan sya dahil dun. Sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya kaya naman hindi ko gagawin yun.'

'Pero may ipinagtataka ako, Hindi lang sayo at kay Vince ganito ang pakiramdam ko. Maski kila Red at Black Mask. Nung gabi na nabaril ka at sinuway ko ang utos, Nung unang beses na nakita ko sila.... Nagwala ng todo ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit...'

'Sa tingin mo.... anong ibig sabihin nun? Ibig sabihin ba nun matagal ko na kayong kilala? Pero bakit hindi ko kayo maalala? Hindi ko kayo kilala... tsaka sila Red at Black Mask. Sino sila....'

'Sinasabi ko sayo 'to dahil sa nangyari kanina. Pagkakita ko kay Red Mask sobrang nagwala ang dibdib ko. Masyado na kong naguguluhan, kaya ikinumprunta ko na sayo. Hindi ko na kasi 'to kayang tagalan pa.'

Napangisi na lamang ako ng maalala ang mga sinabi sakin ni Ice Kahapon ng mag-usap kaming dalawa.

"Natutuwa ako. Sobra akong natutuwa..."- nakangiti kong sabi sabay sandal ko sa swivel chair ko dito sa Office.

"Sa mga sinabi nya sakin kahapon, Kumpirma ko nang sya talaga si Darkiela. Pero ang nakapagtataka....."- saad ko sabay cross arms.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon