Chapter 29: Memory

12.2K 421 14
                                    

Vince P.O.V

"Ngiting-ngiti ka diyan ah, nagsisimula ka palang sa plano mo di kapa nagtatagumpay."- saad sakin ni Kris sabay upo niya sa sofa sa harapan ko.

Natawa naman ako.

"Tss... sira! Nakangiti ako nang ganito dahil sa dalawang bagay."- saad ko sabay ayos ko nang upo ko.

"Una, nasimulan ko na ang plano ko. Pangalawa, hindi ako nilapitan ng Hari maghapon kasi maghapon kong kasama si Ice. Ang saya!"- ngiting-ngiti kong sabi sabay higa ko sa sofa na inuupuan ko.

Natawa naman ng bahagya si Kris.

"Congrats sayo, pero Vince.."- saad ni Kris sabay tingin sakin.

"Hmm? Bakit?"- tanong ko habang nakatingin sakanya at nakataas ang kilay.

"Sa tingin mo ba magbabalik ang memorya niya?"- tanong sakin ni Kris.

Tumingin naman ako sa kisame.

"Hmm.. ewan ko, pero di ko malalaman kung hindi ko titignan diba?"- saad ko sabay tingin ko ulit kay Kris.

"Itutuloy ko lang yung nasimulan ko para makita kung magbabalik pa nga ang memorya niya."- saad ko sabay ngiti at tingin ko ulit sa kisame.

"Bahala ka, suportahan na lang kita."- saad ni Kris.

Bigla namang dumating si Julian.

"Hey Yo!"- bati ni Julian sabay tabi niya kay Kris sa sofa.

Tinignan ko naman siya.

"Oh? Ganap sa buhay mo?"- tanong ko.

Nagkibit-balikat naman siya.

"Wala, walang kwenta."- sagot niya sabay tawa at kuha sa magic pillow na nasa gilid.

"Oo nga pala, may nakita ako habang papunta ako dito."- saad ni Julian sabay yakap niya sa magic pillow.

"Hmm? Ano?"- tanong ko.

"Si Ice kasama yung Hari."- diretsahang sagot ni Julian.

"Ahh.. yun--- ANO!?"- sigaw ko sabay tayo ko.

What the fuck! Magkasama? Bakit sila magkasama?

"Saan mo sila nakita?"- tanong ko kay Julian.

"H- huh? dun sa hallway malapit sa dorm natin."- takang saad ni Julian.

Hindi naman na ko nagsalita at nagmadali na lamang akong tumakbo patungo roon.

Bakit sila magkasama? Paanong magkasama sila!?

Pagdating ko sa hallway malapit sa dorm namin, agad akong tumingin-tingin sa paligid.

"N- Nasaan sila.."- hinihingal kong saad.

Pagtingin ko sa tapat ng bulletin board, nakita ko si Ice at totoo nga! kasama niya si Devin. Nag-uusap silang dalawa.

Anong pinag-uusapan nila? tsaka bakit lumapit si Devin kay Ice eh pinagbawalan siya ni Reigen na lumapit dito!

Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanila at pinakinggan ang pinag-uusapan nila.

Makikinig muna ko bago mangealam.

"Di ko alam na mahilig ka pala sa mga painting na..... weird?"- rinig kong saad ni Ice kay Devin.

Tinignan ko naman yung tinitignan nila sa bulletin board.

Puro mga paintings na tungkol sa pagpatay ang nandoon.

"Ikaw rin, di ko rin alam na mahilig karin sa mga ganitong paintings."- walang emosyong saad ni Devin sabay tingin niya kay Ice na seryosong nakatingin sa isang painting.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon