Devin P.O.V
"Aray! May humahatak sakin! Ano 'to!!"- sigaw ni Ice.
Natawa naman ako ng palihim.
"Ano ba 'to! Bumitaw ka!!"- sigaw ni Ice.
Nakakatuwa syang tignan, inis na inis na sya sobra. Para talaga syang si Darkiela, bukod sa napakabilis nyang mapikon, takot din sya sa ahas.
Naglakad naman ako palapit kay Ice at tinanggal ang pagkakasabit nang damit nya sa maliit na sanga ng halaman.
"Hinahatak ka nung halaman, gusto ka yatang kausapin at sabihin sayo na pwede bang manahimik ka? ang ingay mo."- saad ko habang nagmamasid ako sa paligid at hindi nakatingin kay Ice.
"Tss... baka nga nakakapagsalita yung halaman!"- saad nya na irita parin ang boses.
Ngumiti naman ako ng bahagya. Hanggang sa...........
"Sandali."- saad ko nang may maramdaman akong tila parang may nagmamasid samin.
"Ano!"- pagtataas ng boses ni Ice.
Hinila ko naman sya at pagkatapos ay tinakpan ko ang bunganga nya gamit ang kamay ko.
"Pwede bang manahimik ka? May nararamdaman akong may nagmamasid satin. Malamang ang mga kalaban yun, dahil sa ingay mo nalaman nilang nandito tayo. Magkaka-ideya sila sa ginagawa natin dahil dito!"- bulong ko sa kanya.
Natahimik naman sya at umiwas sakin ng tingin kaya naman tinanggal ko na ang pagkakatakip ko sa bunganga nya.
"*sigh* Bumalik na tayo sa DIA, bukas natin 'to ituloy. Hapon na at maggagabi na, mahirap maghanap sa gabi."- mahina kong saad sabay talikod ko sa kanya at lakad ko paalis.
Agad naman syang sumunod at tumabi sakin.
"Oh wag mo naman akong iwan, di ko alam kung paano bumalik sa DIA."- saad ni Ice.
Tinignan ko naman sya, nakatingin lang sya sa gilid. Hindi naman ako nagsalita at hindi na lamang sya pinansin. Habang naglalakad kami pabalik sa DIA, tahimik lang kaming dalawa at walang nagsasalita. Hanggang sa biglang nagsalita si Ice.
"Ang gaganda nang mga bulaklak, kung katulad lang ako ng ibang mga babae malamang pumitas na ko. But i'm not, kung kulay itim yan maybe kanina pa ko pumitas at baka nakalbo ko pa yung halaman."- saad nya.
Tinignan ko naman sya ulit, seryosong-seryoso sya.
"Pinagsasasabi mo."- walang emosyon kong saad.
Bumuntong hininga naman sya.
"Naglilibang lang, hindi kaba nabibingi sa katahimikan? Hmm.. sa bagay, sa itsura mo sanay ka sa tahimik, kasi mukha kang sanay na mapag-isa."- saad ni Ice sabay tingin nya sakin.
Napangisi naman ako ng bahagya.
"Tama ka, sanay akong tahimik kasi sanay akong mapag-isa. At Oo, hindi ako nabibingi sa katahimikan dahil kung Oo malamang matagal na kong bingi."- may pagkasarkastiko kong sabi.
Huminto naman sya sa paglalakad kaya huminto rin ako.
"Ganyan ba kapag sanay sa katahimikan? Mahilig mambasag? Kanina kapa ah!"- pagtataas nya ng boses.
Nilapitan ko naman sya ng kaunti.
"Tch. Hindi kita binabasag, sinasabi ko lang yung totoo. Ngayon, hindi ko na kasalanan kung sa tingin mo binabasag kita. Isa pa...."- saad ko sabay lapit ko pa sa kanya ng kaunti.
Umatras naman sya.
"Diba sabi ko sayo manahimik ka? Kung gusto mong magsalita, magsalita ka pero baka pwedeng pakihinaan. Hindi mo ko kailangang pagtaasan ng boses."- saad ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Mystery / ThrillerHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano, an adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves- the biological child of the Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks t...
