Chapter 14: Headmaster's Warning

14.8K 451 6
                                        

Ice P.O.V

"Grabe, para akong naawa sa Hari kahapon."- saad ni Ylana.

"Tss.. totoo naman kasi yung sinabi nung Luis, tignan mo nga natahimik siya! Pero alam niyo, di mag-aaway yung dalawa kung hindi inumpisahan ni Vince eh. Yung lalaking yun!"- saad naman ni Ashlie.

"Kahit di sinimulan ni Vince yun paniguradong mag-aaway parin sina Devin at Luis, di niyo ba nakita? Pagdating pa lang kahapon ng Red Skull sa meeting room ang tindi na ng tensyon nila ng Dark Cards. Lalo na nung hinalikan ni Luis si Ate Rei sa pisngi, halatang gusto ng sugurin ni Devin si Luis at patayin."- saad ko.

"Ang haba ng buhok ni Ate Rei!"- saad ni Ashlie.

"Pero alam niyo, sa tingin ko naman mabuti talaga ang Dark Cards."- bigla kong nasambit.

Napatingin naman sila sakin ng sabay.

"Ano?"- saad ni Ashlie.

Bumuntonghininga naman ako.

"Sa tingin ko hindi talaga sila masasama, sumusunod lang sila sa utos ng Headmaster. Sa sinabi ni Devin kahapon parang hindi naman talaga sila kakampi ng Headmaster, sadyang trabaho lang talaga nilang paglingkuran ang Headmaster dahil sila ang pinakamataas dito sa DIA."- saad ko.

Ewan ko ba kung bakit pero habang tinitignan ko si Devin kahapon habang dinidipensahan niya ang sarili niya at ang grupo niya, may pakiramdam ako na dapat siyang paniwalaan at pagkatiwalaan.

"Sa bagay, may punto ka. Pero sinabi ni Ate Rei na masasama sila at nangako tayong lalayuan natin ang Dark Cards."- saad ni Ashlie.

Napa-pokerface naman ako.

"Sinabi ko bang lalapitan natin sila? Ang sabi ko tingin ko mabait talaga sila. Wala akong planong makipagkaibigan sa kanila!"- inis kong sabi sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Inakbayan naman ako ni Ashlie.

"Chill, napakapikon nito."- saad ni Ashlie sabay nguso.

"Habang tumatagal lalong nagiging short tempered."- saad ni Ylana.

Inirapan ko naman sila.

"Ewan ko sa inyo."- saad ko.

Pagkatapos kong sabihin yun, bigla na lamang tumunog ang mga speakers.

"Makinig kayong lahat, kung ano mang sasabihin ko ngayon ay seryoso ako. Kahapon nagpasagawa ako ng checking sa lahat ng babae dito sa DIA at ibinabalita ko sa inyong lahat na WALA NI ISA sa mga babaeng nandito ang may balat o tattoo sa likod tulad ng mayroon ang pamangkin kong si Darkiela. Oh? Alam ko ang iniisip niyo, WALA PA DITO ANG REYNA AND ALL THIS YEARS NAGHAHANAP KAYO SA WALA! Tsk. Nandito na siya, nandito na si Darkiela! At sa tingin ko ay hindi siya pumasok dito bilang isang estudyante. Sa tingin ko nandito siya sa DIA at nagtatago, nakikipaglaro siya ng taguan sa ating lahat na nandito. Ngayon, binibigyan ko kayo ng babala. Simula ngayon, simulan niyo nang halughugin ang buong DIA! Hahanapin niyo siya at mayroon lang kayong isang buong taon sapagkat sa pagdating ng ika-31 ng disyembre, kapag hindi niyo naiharap sakin ang pamangkin ko ay sinisiguro kong lahat kayo ay malalagot. Sinisiguro kong dadanak ang mga dugo niyo dito sa DIA! Dalawa lang ang makapagliligtas sa inyo sa mangyayari. Una, ang makagraduate kayo. Pagtagumpayan niyo ang lahat ng laro na ipalalaro ko, walang talo. At ang pangalawa, ang maiharap niyo sakin ang pamangkin ko. Ngayon, problema niyo na kung paano niyo gagawin ang nais ko. Goodluck sa inyo mga mahal kong estudyante ng DIA pero damay-damay na 'to."- saad ng Headmaster.

Pagkamatay ng mga speakers, tila nagkagulo ang mga estudyante.

"Shit! Ice anong gagawin natin?"- saad ni Ashlie sabay hiwalay niya sakin.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon