Devin P.O.V
'Masyado ka kasing makasarili, kung umasta kapa akala mo tunay ka ngang Hari. Gusto mo lahat ng gusto mo nakukuha mo! Tapos kapag hindi mo nakuha, magagalit ka at magpaparusa. Minsan hindi mo alam, may nadadamay ng iba na hindi naman dapat idamay dahil sa pagiging makasarili mo.'
'Nakita kita nung araw na may dumating na package, nakita kita na may ibinulsa na kulay pulang sulat. Tapos kahapon, nakita ulit kita sa tapat ng dorm ng Reapers na hawak yung sulat pero umalis ka rin agad na hawak parin yung sulat. Sabihin mo, yung sulat na kulay pula na yun. Kay Ice ba yun? Bakit hindi mo ibinigay sa kanya yun at bakit nasa iyo yun?'
Napabuntonghininga na lamang ako nang maalala ko ang mga sinabi sakin ni Luis kahapon.
Kahapon, hinarap ako ni Luis at sa paghaharap namin nasabi niya sakin ang mga bagay na yan na nakapagpatahimik at nakapagpaisip sakin.
Inaamin ko, tama si Luis sa mga sinabi niya.
Tungkol sa sulat, hanggang ngayon isip parin ako nang isip tungkol dun at nakakainis yun dahil ayokong nag-iisip. Hindi ko yun maibigay kay Ice dahil tila may nagsasabi sakin na wag ko munang ibigay yun sapagkat may tamang oras. Hindi ko binasa ang sulat, itinago ko lamang ito.
Nauwi ang paghaharap namin ni Luis sa pagsuko ko sa pin ko sa kanya, sinabi kong ibigay niya yun kay Ice. Mas pinili kong ibigay na lamang ang pin ko kaysa ibigay ang sulat.
Nailabas na ang resulta ng mga nanalo.
Una ang Reapers, pangalawa ang Red Skull, pangatlo ang Phantomrick, pang-apat ang Ravens at pinakahuli ang Hallows.
"Pinag-uusapan tayo sa labas."- saad ni Brent pagkapasok niya dito sa opisina.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Tsk. Sino-sino? Babanatan ko!"- banas na saad ni Bryan.
"Tss.. hayaan mo sila. "- walang ganang saad ni Alex.
Bumuntonghininga naman ako at saka tumayo.
"Mag-iikot lang ako."- saad ko.
"Samahan kana namin King."- saad ni Brent.
![](https://img.wattpad.com/cover/97218946-288-k577056.jpg)
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Misterio / SuspensoHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano. An adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves, the biological child of Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks that...