Ice Pov~
"I- Ice?"- gulat na saad nila Mommy Rica at Daddy Rey pagkakita nila sakin.
Walang emosyon ko naman silang tinignan.
"B- bakit ka nandito? S- si Reign, Nasaan si Reign!?"- saad ni Mommy.
Bahagya naman akong natawa.
"Nandito ako para makausap kayo, at si Ate Rei.... nasa DIA pa sya. Tinatangkang patayin ang Headmaster kasama ng mga tunay kong magulang."- may pagkasarkastiko kong sabi.
Nanahimik naman sila.
"Apat na araw lang po ako dito at pagkatapos babalik po ulit ako sa DIA. Gusto ko lang kayong makausap, pero sa ngayon.. Magpapahinga na muna po ako. Kung ayos lang po sa inyo."- saad ko.
Nagkatinginan naman sila Mommy at Daddy. Pagkatapos tumayo si Daddy at nilapitan ako.
"Anak, alam kong galit ka samin dahil itinago namin sayo ang totoo at hindi namin agad sayo ito sinabi. Pero anak, Sana maintindihan mo kami. Kailangan naming gawin yun, itinago namin sayo ang totoo nang sa ganun makapaghanda ka. Nung araw na tumakas ka para magtungo ng DIA, batid namin yun ng Mommy mo. Pero hindi kami humadlang dahil nakita namin na nagtagumpay na kami, Na handa kana at kaya mo nang gampanan ang tungkulin mo bilang si Darkiela. Sana patawarin mo kami, at pasensya na ulit."- saad sakin ni Daddy.
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Mystery / ThrillerHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano, an adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves- the biological child of the Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks t...
