Devin P.O.V
"King, may eroplano daw na nag-landing sa paliparan kanina then after 30 minutes umalis din agad, gusto po ng Headmaster na alamin natin yung ginawa nung eroplano na yun dito. Baka daw may dumating o baka naman daw may mga iniwan daw na gamit na ipinadala ng pamilya ng mga estudyanteng nandito."- bulong sakin ni Brent.
Nandito kami ngayon sa gymnasium, binabantayan namin ang nagaganap na basketball game.
"Ako nang bahala dun."- sabi ko sabay tayo.
"Ayaw mo pong magpasama?"- tanong sakin ni Brent.
"Gaya ng sabi ko, ako nang bahala dun. Samahan mo na lang si Alex dito, bantayan niyong maigi yung laro."- saad ko.
"M- masusunod po."- saad niya.
Di ko naman na siya pinansin at umalis na lang.
Pagdating ko sa tapat ng gate ng DIA, isang babae ang nadatnan kong nakatayo sa harap nun at nakatingala. Tila tinatanaw nito ang pinakatuktok ng gate.
"Anong ginagawa mo dito."- saad ko.
Agad namang lumingon sakin yung babae.
Si Ice.....
"I- I am just wondering.. may nakita akong eroplano kanina habang nasa rooftop ako, galing dito sa Island. I am just wondering kung may dumating ba kaya naman nag-abang ako dito."- sagot niya.
"Really.."- hindi ko kumbinsidong saad.
Tinignan naman niya ko ng panandalian at di nagtagal, ngumisi siya.
"Nagsasabi ako ng totoo, kung ayaw mong maniwala edi wag."- sabi niya sabay pamulsa niya at lakad pabalik sa building ng school.
Pagkalagpas niya sakin, nagsalita ako.
"Alam kong nagsasabi ka ng totoo pero kulang ang sagot mo."- saad ko ng hindi siya tinitignan.
Naramdaman ko naman siyang huminto sa paglalakad.
"Kompletuhin mo yung sagot mo."- saad ko.
Narinig ko naman siyang bumuntonghininga.
"Habang nasa rooftop ako, nakita kong may eroplano na galing kanina dito sa Dark Island. Naisip ko na baka may dumating kaya naman nag-abang ako dito sa tapat ng gate, hindi dahil sa interesado ako sa darating kundi dahil titignan ko kung paano nagbubukas ang gate ng paaralan na 'to dahil pinag-aaralan ko ang gate."- saad niya.
Dahil dun, napatingin ako sa kanya. Nakatalikod siya sakin.
Pinag-aaralan ang gate? Plano ba niyang....
"Yun, kumpleto na yun."- saad niya sabay tingin sakin.
"Sa totoo lang wala akong tiwala sayo, pero sinabi ko sayo yung bagay na yun na maaaring maging dahilan pa ng pagtagal pa namin lalo ng mga kaibigan ko sa lugar na 'to. Yeah, tama ang iniisip mo. Pinag-aaralan ko ang gate dahil gusto kong makatakas kami ng mga kaibigan ko dito sapagkat nahanap na namin ang pakay namin, nahanap na namin yung dahilan ng pagpunta namin dito."- saad ni Ice.
Napaharap naman ako ng tuluyan sa kanya.
"Nahanap niyo na... ang dahilan ng pagpunta niyo dito?"- kunot noo kong sabi.
"Kung ganun, nahanap niyo na yung kapatid mo."- saad ko pa.
Tumango naman siya.
"Yeah."- saad niya sabay ngiti niya ng bahagya.
"Isusumbong mo ba ko sa Headmaster? Sasabihin mo ba sa kanya yung nalaman mo ngayon?"- saad niya kasabay ng pagseryoso niya.
Sandali naman akong nanahimik.
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Misteri / ThrillerHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano, an adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves- the biological child of the Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks t...
