Chapter 64: Darkiela

11.2K 331 23
                                        

Continuation~

"Sige! Lahat ng nais akong patayin lumapit sakin ngayon!"- sigaw ng Headmaster na nakasakay sa isang military tank.

Wala namang kumilos kahit isa, Natigil din ang nangyayaring labanan.

"Ano? Bakit kayo tumigil? Natatakot ba kayo sa sandatang meron ako?"- sigaw ng Headmaster.

"Hindi, Hindi sila natatakot. Naaawa sila sayo dahil tanga ka."- saad ng isang boses.

Napatingin naman ang lahat dun at kanilang nakita si Ice sa Balkonahe ng paaralan kasama si Devin. Isang nakakainis na ngiti naman ang ibinigay sa kanya ng Headmaster.

"Oh Ice! Kamusta naman ang lalaking nabaril kanina dahil dyan sa lalaking kasama mo ngayon! Patay naba sya?"- sarkastikong saad ng Headmaster.

Napakuyom naman ng kamao si Ice at sinikap na maging walang emosyon ang kanyang mukha.

"Hindi mamamatay ang lalaking yun, Sapagkat ang mga tulad nya ay binibigyang himala. Hindi tulad mo."- saad ni Ice.

Sabay senyas nya kay Devin na gawin na ang plano nila. Tumango naman si Devin at pagkatapos ay isang tila Remote control ang inilabas nito. Natigilan naman ang Headmaster at napatingin dito.

"Sa sobrang pagkadespirado mo hindi mo na iniisip ang ginagawa mo. Sinira mo ang pader ng DIA upang maipasok mo yang tangke na yan dito sa loob pero ang hindi mo alam.... gumawa ka ng isang Daanan upang makalabas ang mga estudyante dito sa loob ng DIA."- saad ni Ice.

Pagkarinig ng Headmaster sa mga sinabi ni Ice, Nagulat na lamang sya at agad na napatingin sa butas na kanyang ginawa.

"Oras na iandar mo ang tangke paalis sa pwesto nyan ngayon..... Lahat ng estudyante dito sa DIA ay makakatakas. At yun ang gusto naming mangyari."- saad ni Ice sabay ngisi.

Wala sa sarili namang tumawa ang Headmaster.

"Sa tingin mo ba hahayaan ko yung mangyari? HINDI! Hindi ko aalisin ang tangke dito sa pwesto nya! At Kung magtatangka man ang kahit sino sa inyo na Lumapit dito ay pasasabugin ko! Hindi maaaring mawalan ng mga estudyante ang DIA dahil oras na mawala ang mga estudyante mawawala rin ang PERA! Kada isa sa inyo malaki ang halaga! Kaya hindi ko kayo hahayaang makatakas dito sa lugar na 'to! DITO LANG KAYO! At OO! Hindi totoong makakaalis kayo oras na patayin nyo ang mga pesteng kaaway ko! NAGSISINUNGALING LAMANG AKO!!"- tila nahihibang nang saad ng Headmaster sabay tawa nito.

Tahimik naman ang lahat, Lahat ay nakatingin lamang sa kanya. Si Ice naman ay nailing na lamang.

"Nababaliw kana, Batid mong talo ka sa laban na 'to kaya naman hindi pa man ito nagsisimula ay despirado kana agad na manalo at mapatay kami. Kami na tinuturin mong kaaway! Wala kang kwentang tao! Si Daddy nais mong patayin! Si Mommy na kapatid mo nais mo ring patayin! At ako na pamangkin mo nais mo ring patayin dahil lang sa Ambisyon mo sa Pera! Napakawala mong kwenta! At kayong lahat! Tama ang narining nyo, ako nga si Darkiela! Ako ang pinapahanap sa inyo ng Headmaster hindi dahil sa nais na nyang ipasa sakin ang pamumuno dito sa DIA! Ang totoo ay nais nya kong paslangin! Nais nya kong paslangin upang mawalan na nang tagapagmana at mapasakanya na ang DIA!"- sigaw ni Ice na unti-unti nang nabubuo ang galit.

"Kailan ko lamang iyon nalaman sapagkat nawalan ako ng ala-ala! At nang malaman ko yun.... Natakot ako at naging tanga! Kaya naman hindi agad ako nakaisip ng paraan para pabagsakin ang Headmaster! Pero ngayon na nakaisip na ko at nasimulan ko na.... Gagayahin kita Headmaster. Sa tingin mo ba hahayaan kong magtagumpay ka sa nais mo? Hindi Headmaster...... Hindi!"- saad ni Ice sabay ngiti nya at tuntong nya ulit sa Railings ng balcony.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon