Chapter 32: Challenge

11.3K 386 13
                                    

Ice P.O.V

"Ice, ayos ka pa ba?"- kunot noong saad sakin ni Ashlie sabay inom niya sa hawak niyang fruit shake.

Kunot noo ko naman siyang tinignan.

"Anong ibig mong sabihin?"- kunot noo kong sabi.

Nasa cafeteria kami ngayon, break time.

Bumuntonghininga naman si Ashlie.

"Kasi napapansin ko parang lalong lumalala yung pagiging short tempered mo, tapos nakita kita kahapon na kausap yung Hari. Diba dapat layuan mo siya? ang plano mo diba susubaybayan mo siya sa malayo pero bakit lumalapit kana sa kanya? Ako, hindi ko nilalapitan si Bryan. Ganun din si Ylana kay Brent, si Grey naman well nasa plano niyang lapitan si Alex para maging kakampi natin pero ikaw..."- seryosong saad ni Ashlie.

Panandalian naman akong natigilan at pagkatapos ay napa-buntonghininga na lamang ako.

"May sarili akong dahilan, ayokong sabihin dahil ang weird."- saad ko sabay tayo.

"Hayaan niyo muna ako, lilinawin ko muna yung mga malalabong bagay sakin. Kapag malinaw na lahat, dun ko na lang sasabihin sayo.. sa inyo nila Grey at Ylana."- saad ko sabay talikod ko sa kanya.

"Dun muna ko."- saad ko sabay lakad ko paalis.

Tama, lilinawin ko ang lahat! pero.. sa paanong paraan?

"Ice."- rinig kong tawag sakin ni Devin.

Nilingon ko naman siya.

"B- bakit?"- tanong ko.

Anong kailangan nito sakin?

Lumapit naman siya sakin.

"May gusto akong ipagawa sayo."- saad niya.

Napakunot naman ako ng noo.

"Uutusan mo ko?"- saad ko.

Tinignan naman niya ko ng masama.

"May reklamo ka? ako ang Hari dito sa DIA so uutusan ko lahat ng gusto kong utusan at wala kayong magagawa dun. My command is my command and you can't do anything about that."- saad niya.

Umiwas naman ako ng tingin.

"P- pasensya na."- saad ko.

May inilabas naman siyang isang folder at iniabot yun sakin.

"Sagutan mo lahat ng nandiyan."- saad niya.

Kinuha ko naman yung folder at tinignan kung anong nilalaman nun.

"Maze, cross words, sudoku, puzzles, hanap salita and short quizzes?"- saad ko.

Tumango naman siya.

"Oo."- seryoso niyang sabi.

Nagkibitbalikat naman ako.

"Basic, pupuntahan ba kita sa office niyo kapag nasagutan ko na lahat 'to?"- saad ko.

Tumango naman siya ulit.

"Oo."- sagot niya sabay bulong.

'Kapag nasagutan mo ng tama lahat yan pumasa ka sa pagiging si Darkiela.'- Devin.

"May sinasabi ka?"- tanong ko.

Agad naman siyang umiling.

"Wala."- saad niya sabay ngisi.

"Aalis na ko."- saad ni Devin at pagkatapos ay agad siyang umalis.

Napataas naman ako ng kilay.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon