Chapter 47: Countdown

12.2K 311 15
                                    

Ashlie Pov~

"Ano ba talagang problema nila, hindi ko na kaya..."- bulong ko habang nakatingin kay Ice at sa Hari na halos nagpapatayan na sa mga tingin nila sa isa't-isa.

Halos tatlong buwan na ang lumipas, Actually mag-aapat na! Ang bilis lumipas ng mga araw, buwan at oras. Sa loob ng mga buwan na lumipas, itong dalawa! ang Hari at si Ice, puro bangayan. Palagi silang nagtatalo at hindi na magkasundo sa mga bagay-bagay na pinag-uusapan namin. Naririndi at naguguluhan na kami, Hindi namin alam pero bigla na lang silang naging magkaaway, kapag nagtatanong kami Pati kami inaaway nila. Sabay pa sila palagi magsabi ng....

'NAKAKATAMAD MAGKWENTO! WAG NYO NG ALAMIN!'

Nakakainis kaya >_<

Bigla na lang silang naging magkaaway, tapos minsan kapag tahimik ang isa, magpaparinig ang isa na magiging ugat ng pag-aaway at pagbabangayan na naman! Nakakarindi! Nung unang buwan pinilit kong sanayin ang sarili ko, pero di ko kaya!!

HINDI KO KAYANG MAY MAS MATINDI PA SAMIN NI BRYAN MASKI KILA YLANA AT BRENT!! >_<

"Masisira na Eardrums ko, kung hindi sila maingay ganyan sila. Walang nagsasalita kahit isa sa kanilang dalawa at magpapalitan lang ng matatalim na mga tingin. Pustahan, wala na naman tayong mapag-uusapan na matino ngayon ukol sa laro."- saad ni Bryan sa mahinang boses.

Sumang-ayon naman ang lahat.

"Tama ka."- saad ko.

Hanggang sa.....

"Parang pinapatay mo na ko sa mga tingin mo ah! Ganun ba ka-big deal sayo yun!"- saad ng Hari kay Ice.

At yan na! nagsisimula na po sila =__=

"Oo ganun ka-BIG DEAL sakin yun! Minsan lang kasi ako makipagkaibigan at pili lang ang kinakaibigan ko! Kaya BIG DEAL SAKIN kapag ang isang tao itinurin kong kaibigan tapos sya wala lang pala sa kanya yun! Itinuturin pala nya kong IBANG TAO tapos ng magising sya sa katotohanan Ayun! biglang nag-iba! At OO! PINAPATAY na kita sa mga TINGIN KO! Sana nga nakakapatay talaga yung mga tingin ko eh! Siguro na Quadra kill na kita!"- banas na saad ni Ice sabay tayo.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon