Chapter 5: Ice

15.6K 496 10
                                        

Brent P.O.V

"Good morning!"- ngiting-ngiti kong bati pagkapasok ko sa opisina naming Dark Cards.

Pagkasarado ko sa pinto, tila bumalot sa buong katawan ko ang isang mabigat na aura. Pagtingin ko sa desk naming Dark Cards, kinilabutan ako.

"Walang good sa morning."- saad ni Alex na halatang badtrip.

"Bukas na, bukas ko na pwedeng anuhin yung baguhan na yun! makikita niya!"- saad naman ng kakambal kong si Bryan habang nakakuyom ang kanyang kamao.

Ang hari naman, walang imik ngunit halata ang galit sa kanya dahil sa mabigat niyang presensya.

Nawala naman ang ngiti sa mga labi ko dahil dito.

Lagi na lang talaga, sa aming apat ako na lang palagi yung masaya!

"Brent."- saad ng Hari.

Nataranta naman ako at agad na umayos.

"Y- yes King."- saad ko.

Bakit kaya...

"Who's the fucking new students here."- seryosong saad ng Hari.

Nagulat naman ako.

Teka, new students? Ang Reapers ba? Bakit??

"Ang Reapers po ba ang tinutukoy mo King?"- paniniguro ko.

Tumango naman siya.

"Oo, yung dumagdag sa DIA Group of Killers."- seryoso paring saad ng Hari.

Agad naman akong sumagot.

"N- nung lunes lang po sila dumating, nakasabay ko po sila sa eroplano papunta dito pero mukhang hindi po nila alam yun. Pumunta po sila dito upang kusang-loob na mag-enroll, sabi ng pinuno nila na nagngangalang Ice, gusto daw nila ng thrill ng mga kaibigan niya kaya sila nagdesisyon na pumunta dito."- saad ko.

Hindi naman nagsalita ang Pinuno.

"B- bakit po? May problema po ba sa kanila?"- tanong ko.

"Hindi ko alam, nalilito ako. Nang makita ko yung babaeng may malamig na emosyon kahapon bigla na lang may gumulo sa isip ko, hindi ko naman maisip kung ano at para sakin nakakabwisit yun."- saad ng Hari sabay hampas niya ng malakas sa lamesa.

Bahagya naman akong napapikit dahil dito.

Ang Hari ang klase ng tao na ayaw na nag-iisip ukol sa mga bagay na para sa kanya ay hindi naman karapatdapat isipin ng isang tulad niya, kapag may katanungan sa isip niya ukol sa mga ganitong bagay, ang gusto niya ay masagot yun kaagad.

Bumuntonghininga naman ako.

"Sa totoo lang pinapasubaybayan po sila sakin ng Headmaster kaya naman kahapon ay binuntutan ko na sila agad, nakipagmabutihan rin ako sa kanila nang sa ganun ay madali na lang sakin na magawa ang pakay ko sa kanila. May pakiramdam ang Headmaster na si Ice Rogiano ay ang hinahanap niya."- pagsasabi ko ng totoo.

Kumunot naman ang noo ng Hari.

"The headmaster made the only mission of this Academy 10 years ago, tapos ang isang baguhan na ngayon lamang napasok dito ang pinaghihinalaan niyang ang nawawalang Reyna? Stupid!"- saad ng Hari sabay tayo niya at hampas niya ulit sa lamesa.

Napapikit naman ulit ako sa lakas ng paghampas nya sa lamesa, ganun din sila Alex at si Bryan.

"K- kakaiba ang mga baguhan na yun, para silang may mga itinatago kaya naman ibubulgar ko kung ano yun. Hindi ako naniniwala sa hinala ng headmaster pero maganda narin pong maging sigurado, aalamin ko parin kung ano man ang itinatago nila."- saad ko.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon