Chapter 54: Attack

10.5K 341 20
                                        

Devin Pov~

"Gusto mong umuwi sa inyo?"- tanong sakin ng Headmaster.

Tumango naman ako.

"Nais po ito ng aking Ama, apat na araw lang po akong mawawala."- saad ko.

Bumuntong hininga naman ang Headmaster.

"Oh sige, tinawagan mo naba ang eroplano?"- tanong nito.

"Opo, parating na po ito."- sagot ko.

"Sige, mag-ingat ka pauwi."- saad nito.

Tumango naman ako at ngumiti ng bahagya.

"Headmaster, may gusto po sana akong isama sa pag-uwi ko."- saad ko.

Taas kilay naman nya kong tinignan.

"Sino naman?"- tanong nito.

"Si Ice, si Ice Rogiano po Headmaster."- sagot ko.

Tila natigilan naman ito.

"Si Ice? At bakit mo naman sya isasama?"- saad ng Headmaster.

"Sapagkat ito ang gusto ko."- seryoso kong sabi.

Sandali naman akong tinitigan ng Headmaster at pagkatapos, bigla syang tumawa.

"Palagi mo talaga akong pinapabilib Devin, manang-mana ka sa iyong Ama."- saad ng Headmaster sabay ayos nya ng upo.

"Sige, maaari mong isama ang Girlfriend mo. Ngunit sa pagbabalik mo, kailangang kasama mo parin sya."- saad ng Headmaster.

Bahagya naman akong natawa at napailing.

"Makakaasa po kayo."- saad ko.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon