Ashlie P.O.V
"Waaaaaaaah! Apat na pandesaaaaaal"- tili ko.
Nandito kami ngayon sa gilid ng stage na itinayo dito sa gymanasium, start na ng pageant at rumarampa na ang mga lalaking nakatopless!
Ang daming PANDESAL! Bawat contestant merong apat!!
"Ang ingay mo, manahimik ka nga."- saway sakin ni Ice na todo bantay sa pageant.
Nagpeace sign naman ako.
"Sorna, alam mo namang mahilig ako sa mga lalaking gwapo na maganda ang pangangatawan eh."- saad ko.
Bigla namang may sumingit.
"Talaga?"- saad ni....
Bryan.
Sumama naman bigla yung mukha ko.
"Anong ginagawa mo dito?"- saad ko.
Hindi dapat siya naririto sa pwesto namin ni Ice, nandun dapat siya sa harap ng entablado dahil ang katulad niyang Dark Cards ay isang panauhing pandangal ng pageant na nagaganap.
Ang lalim dre!
"Nakakaburyo dun sa harap eh, ang papangit naman ng katawan ng mga lalaking rumarampa di man lang sila mahiya sa isang tulad ko na maganda ang pangangatawan!"- saad ni Bryan.
Nahampas ko naman yung gilid ng stage.
"Hoooooo! Grabe ang hangin powta! Kung makapagsalita ah!"- saad ko.
Ngumisi naman siya.
"Di ka naniniwala?"- saad niya habang nakangisi.
"Patutunayan ko sayo."- saad niya at pagkatapos bigla siyang umakyat sa entablado.
Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Umalis ka diyan! Sisirain mo yung pageant!"- sigaw ko.
Umiling naman siya.
"No, patutunayan ko sayo na dapat mahiya sakin 'tong mga lalaking tinitilian mo kanina."- saad niya sabay unbutton niya sa lahat ng butones ng damit niya.
Dumagundong naman ang buong gymnasium sa lakas ng hiyawan at sigawan ng mga babaeng nandito dahil sa ginawa niya.
Ako? Heto, tulala.
What the abs! Aniiiiiiiiim *_*
Pagkatapos ipakita ni Bryan ang katawan niyang may anim na abs sa lahat, agad siyang tumalon paibaba ng entablado at pumunta sa harap ko.
"Ano, tama ako diba? dapat silang mahiya."- saad niya sabay ngisi at balik sa pwesto niya.
Shemsss!
Siniko naman ako ni Ice kaya't nakabalik ako sa realidad.
"Sabi sayo manahimik ka, tignan mo nangyari."- saad ni Ice.
"Sensya na."- nakanguso kong sabi.
Dumating naman si Grey.
"Nakita niyo si Ylana? Kanina pa siya wala."- saad ni Grey.
Ngumuso naman ako lalo.
"Hayaan niyo siya, baka natutulog lang yun sa kung saan."- saad ko.
"Tsk! Wag kang ngumuso ng ganyan, ang pangit mo."- saad ni Ice.
Agad naman akong umayos.
Ang sama niya!
Nagdaan ang mga oras naging maayos ang lahat, puro sigawan at hiyawan ng mga estudyante ang naririnig kada lumalabas ang kanilang mga pambato at ako, hindi ko parin maiwasan na hindi mapatili kada may lalaking rarampa.
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Mystery / ThrillerHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano, an adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves- the biological child of the Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks t...
