Ice P.O.V
"First day is reaaaal!"- excited na saad ni Ashlie habang inaayos niya ang sarili niya sa harap ng salamin.
"'Bat ang tagal ni Grey? saan ba pumunta yung mokong na yun?"- saad naman ni Ylana habang nakasilip sa bintana.
"Hindi kasya sa kanya yung uniform niya, ang laki sa kanya kaya ayun pinapalitan niya."- saad ni Ashlie.
"Bakit mo ba hinihintay?"- tanong ni Ashlie kay Ylana.
Ipinakita naman ni Ylana ang hawak niyang plastic ng donut.
"Kinain nung mokong na yun LAHAT ng choco nut donut ko na baon ko papunta dito, gugulpihin ko siya!"- saad ni Ylana.
Napailing naman ako.
Napakasadista talaga ng babaeng 'to.
Ilang sandali lang, dumating si Grey na nakakunot ang noo. Hahambalusin na sana siya ni Ylana ng pigilan niya ito habang nakakunot parin ang kanyang noo.
"Sandali! May kailangan kayong malaman."- saad ni Grey.
Napatingin naman ako sa kanya ng seryoso.
"Ano?"- saad ko.
"Simula ng si Headmaster June na ang namuno dito sa DIA at simula ng baguhin niya lahat dito, iisang grupo pa lamang ang nakakagraduate. At yun ay ang Dark Cards na ngayon ay ang may hawak ng lahat ng mga matataas na katungkulan dito sa DIA, nakagraduate agad sila dito sa unang taon pa lamang nilang pagiging estudyante dito. Simula daw nun, naging mahirap na sa ibang mga grupo ang makagraduate. Sabi nang estudyanteng nakausap ko, bago raw ang graduation ay pinaglalaban ang lahat ng mga grupo dito sa DIA. Ang Dark Cards ay dito parin nag-aaral kahit graduate na sila kaya naman tuloy-tuloy parin sila dito, ibig sabihin guys makakalaban natin sila. At sa tingin ko, hindi sila madaling talunin dahil wala ng makagraduate na ibang grupo dito bukod sa kanila. Mahihirapan tayo."- saad ni Grey.
Nabato naman ni Ashlie ang hawak niyang suklay dahil sa sinabi na ito ni Grey.
"Takteng yan! Ngayon gets ko na yung sinabi nung lalaking gwapo na yun na gusto niya tayong magtagal dito! Hindi marahil sa namangha siya satin, siguro gusto niya tayong mapahiya sa mga sarili natin dahil sa pagpunta natin dito. Alam niyo? yari sakin yun eh! Babasagin ko yung pagmumukha niyang gwapo!"- banas na saad ni Ashlie.
Umiling-iling naman si Grey.
"Kung magagawa mo Ashlie. Yung lalaking yun, tama si Ice, may mataas na katungkulan nga siya dito sa Academy kaya siya nakalabas dito."- saad ni Grey.
Nagulat naman si Ashlie.
"What!?"- gulat na saad ni Ashlie.
Bumuntonghininga naman ako.
"Para sakin tama lang na ginawa natin ang sinabi nung lalaki, mas mabuting lumaban tayo ng sama-sama kaysa solo atlis hindi natin kakailanganin magsakitan o magpatayan sa huli. Mahirapan man tayo hindi naman natin kakailanganin na magsakitan o mapatayan kaya naman ayos na sinunod natin yung sinabi niya."- saad ko na ikinatigil at ikinangiti nila.
"Tama ka."- saad ni Ashlie.
Ngumiti naman ako.
"Magtiwala na lang tayo sa mga sarili natin, kaya natin 'to."- saad ko.
Nagsalita naman si Ylana.
"Yeah, wala tayong hindi kayang gawin."- saad ni Ylana.
Napangiti naman si Grey na tila namangha sa sinabi ko.
"Nang malaman ko yun kanina kinabahan ako, pero dahil sa sinabi mo nawala yung kaba ko. Ang galing mo talaga."- saad sakin ni Grey.
Napataas naman ako ng Kilay.
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Mistério / SuspenseHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano, an adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves- the biological child of the Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks t...
