Chapter 41: It's You

13.2K 387 42
                                        

Devin Pov~

"Ilan ang bilang ng mga namatay?"- tanong ko kay Brent.

"100, 100 lahat ang namatay King."- sagot ni Brent.

Napasandal naman ako sa upuan ko.

"Sabihin sa mga staff ng School na ayokong may tumagal na bangkay na nakakalat. Sunugin agad ang mga bangkay na makikita nila."- saad ko.

Nagbigay galang naman siya.

"Opo."- saad ni Brent sabay alis.

Pagkaalis ni Brent, Napabuntong hininga na lang ako.

"Simula na talaga."- bulong ko sabay tayo ko.

"Mapuntahan na nga lang si Ice nang makita ko kung ayos na sya."- saad ko sabay labas ko ng Opisina naming Cards at lakad patungo sa Clinic.

Habang nasa Hallway, Nakasalubong ang Sekretarya ni Headmaster na ayon sa pagkakatanda ko... Jenina ang pangalan. Huminto ito sa harapan ko kaya naman huminto rin ako.

"Good Day Mr.El Greco."- nakangiti nitong bati sakin.

Tinignan ko naman ito.

"Sayo rin."- saad ko sabay lakad ko na sana paalis ngunit humarang sya.

"Chill Mr.El Greco, Nais ko lamang makipagkaibigan. Bawal ba?"- nakangiti parin nitong sabi.

Kumunot naman ang noo ko.

"Sorry, pero may mga kaibigan na ko at kuntento na ko sa kanila. Hindi ko na kailangan pa ng bagong kaibigan. Kung gusto mo nang kaibigan, wag ako. Maghanap ka ng iba."- saad ko sabay lakad ko ulit ngunit hinarangan na naman nya ko.

Tinignan ko naman sya ng masama.

"Makulit ka? Kung anong sinabi ko yun ang masusunod. Ayoko sa mga makukulit, Ngayon tumabi ka sa daraanan ko dahil may pupuntahan ako."- banas kong sabi.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon