Author's P.O.V
"Grabe, dalawa lang ang kumilos sa kanila kahapon pero nagawa nilang manalo at mapunta agad sa Rank B. Sabi na eh! may mga sikreto silang itinatago."- saad ni Brent.
"Yung Grey lang diba tsaka si... tss.. si Ashlie."- saad naman ni Bryan.
Tumango naman si Brent.
"Yung Ice, tagtago lang naman pala siya sa likod ng mga kasamahan niya eh."- nakangising saad ni Alex.
Nagsalita naman ang hari.
"Tagtago o sadyang alam niya lang na kaya ng dalawa niyang kasamahan na tapusin ang laro."- walang emosyong saad ng Hari.
Nawala naman ang ngisi sa mukha ni Alex dahil dito.
"Pumasok na kayo sa mga klase niyo, pupunta lang ako sa cafeteria."- saad ng Hari.
Aangal pa sana si Alex ng tignan siya ng masama ng Hari.
"No buts."- saad ng Hari sabay lakad paalis.
"Hmm? It looks like may malalim na iniisip ang Hari kaugnay sa nangyari kahapon, iba kasi yung aura niya ngayon. Hindi mo maintindihan."- saad ni Brent.
Tumayo naman si Alex.
"Tss... humanda talaga sakin yang Ice Rogiano na yan!"- galit na saad ni Alex.
Hindi naman nagsalita ang kambal dahil sa itsura ni Alex.
"Pumasok na nga tayo!"- padabog na saad ni Alex sabay lakad niya paalis.
"No comment."- saad ni Brent.
"Bro, naeexcite ako!"- saad ni Bryan.
Napataas naman ng kilay si Brent.
"Bakit?"- tanong ni Brent.
"Nae-excite akong makaharap si Ashlie tapos nae-excite din akong magkaharap sila Alex at Ice. Ano kayang mangyayari?"- saad ni Bryan na parang kinikilig.
Nag-isip naman si Brent.
"Hmm.. ewan? tignan na lang natin."- saad ni Brent sabay tayo.
"Pumasok na tayo."- saad ni Brent sabay lakad.
"Oo."- saad naman ni Bryan at sumunod na sa kakambal.
Habang nasa hallway ang dalawa, bigla na lamang tumunog ang mga speaker sa buong academy.
Nagulat naman sila.
"May kakanta?"- saad ni Brent.
"Friday ngayon, tuwing friday diba kino-connect ang lahat ng mga speaker sa music room kaya naman ang ingay dun ay naririnig sa buong school. Walang pumapasok dun tuwing friday dahil walang naglalakas loob, sino kaya yun?"- saad ni Bryan.
Samantala>>>
'Nandito lang ba talaga sila dahil sa thrill o iba ang dahilan?'
'Bakit ang gagaling nilang makipaglaban?'
'Sino ba talaga sila?'
'Bakit parang may kamukha si Ice Rogiano na hindi ko mabatid kung sino?'
'Anong kakayahan ni Ice?'
'Yung isa pang babae? Ano rin ang kakayahan nun?'
Napahampas na lamang ang Hari ng malakas sa lamesa nilang Dark Cards sa cafeteria dahil sa mga katanungan sa isip niya.
"Fuck this."- mahinang saad ng Hari na pinagtitinginan ng mga estudyante sa cafeteria dahil sa mabigat niyang presensya.
"Ayoko nito, ayokong nag-iisip pagdating sa mga ganitong bagay. Ayoko ng masyadong maraming tanong sa utak ko."- galit nitong saad kasabay ng pagkuyom niya sa kanyang kamao.
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Mystery / ThrillerHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano. An adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves, the biological child of Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks that...