Ashlie P.O.V
"Tss.. diba school 'to para sa mga gustong maging Assassin? Bakit may mathematics parin na nag-eexist? Nakakainis!"- reklamo ko.
"Manahimik kana lang at magreview."- saad ni Ice na nakasuot pa ng eye glasses.
Monday ngayon at may quiz kami mamaya sa Math.
Peste! I hate Math!
"I... I CAN'T DO THIS!"- sigaw ko sabay tayo.
Sabay-sabay namang nagtinginan sakin ang lahat ng mga estudyante dito sa library at sabay-sabay silang nag-Sshh.
"Ano kaba! Bawal mag-ingay dito sa library."- mahinang saad sakin ni Ylana sabay hila niya sakin paupo.
"Ayoko talaga sa Math, nakikita ko pa lang yung mga numbers nahihilo na ko."- saad ko.
"Kaya mo yan."- saad ni Grey na walang salamin ngayon.
Ngumuso naman ako.
"Teka Grey, baliktad ata? Kung kailang kailangan mo ng salamin dun ka walang suot."- saad ko.
Tinignan naman niya ko.
"Na'kay Ice yung salamin ko, ayos lang naman nababasa ko naman ng maayos 'tong binabasa ko."- mahina niyang sabi.
"Ayos ah! kaya mahal na mahal ka namin eh, handa kang magsakripisyo para samin."- saad ko sabay akbay ko kay Grey.
Nagsalita naman si Ylana.
"Alam mo Ash, kung ayaw mo talagang magreview hayaan mo kaming magreview. Hindi yung nanggugulo ka."- saad ni Ylana na may hawak na malaking calculator na ang daming pindutan.
Ngumiwi naman ako.
"Tsk! aalis na nga lang ako! Hampas ko sayo yang calculator na maraming pindutan na yan eh."- saad ko.
"Scientific calculator ang tawag dito."- saad ni Ylana sabay tingin sakin.
Inirapan ko naman siya.
"The hell i care! Tss.. Ice, alis muna ko."- saad ko sabay tingin ko kay Ice.
"Oo."- saad ni Ice na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Hindi naman na ko nagsalita at umalis na lang.
Habang nasa hallway, pikon na pikon ako sa sarili ko.
Bakit ba hindi nila ko katulad? Bakit sila matatalino ako hindi! Nakakabwiset!
"T- tama na po Black Spade!"- hiyaw ng mga estudyanteng babae dito sa hallway.
Napatigil naman ako sa paglalakad dahil dun. Pagtingin ko sa pinanggagalingan nun, nakita ko si Bryan.
"Ano? gusto niyo pa?"- nakangising saad ni Bryan habang may hawak siyang stick.
May suot siyang eye glasses habang nakaupo sa isang bench at nakadiwatro ng panlalaki. Sa harap niya, may limang babae na nakaluhod habang nakalahad ang mga kamay sa kanya.
"A- ayaw na po namin."- sagot ng babaeng nasa gitna na halata sa mukha na nahihirapan na siya.
Napatingin naman ako sa mga kamay nung limang babae.
Iba na ang kulay ng mga ito. Hindi kaya...
Ngumisi naman lalo si Bryan.
"Then? Anong gagawin niyo para paalisin ko na kayo?"- saad ni Bryan dun sa mga babae.
"L- lilinisin po namin a- ang s- sapatos m- mo B- blackspade."- naiiyak ng saad nung babaeng nasa gitna.
"Gamit ang?"- mapaglarong saad ni Bryan.
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Mystère / ThrillerHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano, an adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves- the biological child of the Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks t...
