Ice P.O.V
"Really?"- gulat na saad sakin ni Ylana.
Tumango naman ako.
Nandito kami ngayon sa dorm namin, kinuwento namin sa isa't-isa yung nangyari kahapon at nagulat sila nung ako na yung nagkwento.
Nagulat sila sa nalaman nila.
"Totoo ngang may alam sila Vince? OH TO THE MY TO THE GOSH! siguro masama talaga ang Headmaster kaya nila ito kinakalaban!"- gulat na saad ni Ashlie.
"Tch! malamang."- saad ni Ylana sabay upo niya sa sofa.
"So, ano nang susunod na plano?"- saad ni Grey habang naka-crossarms.
Ngumisi naman ako.
"Edi ipagpatuloy ang nasimulan natin kahapon. Sa ganung paraan, makakatakas tayo dito at malay niyo malaman natin ang sikreto ng DIA."- saad ko.
"Sa bagay."- saad ni Ashlie sabay ayos niya nang tayo niya.
Bigla namang may kumatok sa pinto.
"Ako na."- saad ni Grey sabay bukas niya sa pinto.
Pagtingin ko.....
"Iceeeeee patulong!"- emote ni Vince sabay pasok dito sa loob at diretso sakin.
Napakunot naman ako ng noo.
"Problema mo?"- kunot noo kong tanong sakanya.
"Ang Hari nababaliw na! ayaw akong tigilan! Sabi ko lumayo-layo siya sakin kasi di kami bati pero ang kulit niyaaaa!"- emote ni Vince.
Napangiwi at napa-irap naman ako sakanya.
Sira ulo talaga 'tong lalaking 'to.
"Oh? Bakit sakin ka humihingi ng tulong? dun ka kay Ate Rei mas makatutulong siya sayo."- saad ko.
"Eh? Iniisip ko kasi baka kung sayo ako humingi ng tulong baka tigilan niya ko."- saad ni Vince.
Natawa naman si Ashlie.
"Baliw ka Vince? Bakit ka naman titigilan ni Devin kapag kay Ice ka humingi ng tulong? ano bang tulong ang hinihingi mo?"- natatawang saad ni Ashlie kay Vince.
"Simple lang."- seryosong saad ni Vince.
Napatingin naman kami ng maigi sakanya.
"Magpapasama lang ako kay Ice maghapon para di niya ko lapitan, alam niyo kasi kahapon pinuntahan ni Reigen si Devin at pinagbawalan na lapitan ka Ice. Sinabi ko kasi yung nangyari kahapon, sa tingin ko susundin ni Devin si Reigen. Hindi kana lalapitan pa ni Devin kaya naman naisip ko na baka kapag magkasama tayo hindi niya ko lalapitan kasi nga magkasama tayo, kasama kita! Isa pa Ice..."- saad ni Vince sabay tingin sakin.
"Tutulungan kita sa misyon mong pagsubaybay sakanya."- saad ni Vince.
Hindi naman ako nagsalita.
"So ano? tutulungan mo ba ko?"- tanong sakin ni Vince.
"Alam mo? gumagawa ka lang ng paraan para makasama si Ice eh! akala mo di ko napapansin na may gusto ka kay Ice?"- saad ni Ashlie habang naka-crossarms at nakatingin kay Vince ng matiim.
Tila natigilan naman si Vince.
"H- hindi ah! g- gusto ko lang na tigilan ako ni Devin! kasi kapag kay Reigen ako humingi ng tulong wala akong mapapala!"- saad ni Vince sabay iwas ng tingin sa aming lahat.
"Bakit sa tingin mo ba kapag kay Ice ka humingi ng tulong may mapapala ka?"- saad ni Ylana kay Vince.
Ngumuso naman si Vince.
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Mistero / ThrillerHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano, an adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves- the biological child of the Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks t...
