Ice Pov~
"Hindi parin natin nakikita ang Hideout."- saad sakin ni Devin.
Tinignan ko naman sya at pagkatapos ay Bumuntong hininga ako.
"Malaki ang isla, Dalawa lang tayong naghahanap. Imposibleng makita natin yun agad, Nasabi ko na yun diba?"- saad ko sabay sandal ko sa upuan ko.
Nakakapagod -__- lumabas kami kanina ni Devin sa DIA ng 8 ng umaga at nang mag 11:30 na, bumalik na kami dito upang magpahinga muna. 12o'clock na at mukhang wala pang balak si Devin na magpatuloy sa paghahanap.
Sya nga pala, dalawang linggo na ang nakalilipas simula ng tuluyan akong makarecover sa nangyari sakin sa kamay ng mga lalaki ng Class F. Nakwento sakin nila Ashlie ang nangyari sa mga lalaki ng Class F sa kamay ni Devin, at di ko itatanggi.. natuwa ako kahit grabe ang ginawa nyang pagpaparusa sa mga ito.
"Tch. Alam ko."- saad nya sabay cross arms at iwas sakin ng tingin.
Bahagya naman akong natawa.
Sa loob ng dalawang linggo, napalapit na talaga ng tuluyan ang loob ko sa kanya. Napatunayan kong hindi talaga sya dapat iturin na kalaban, mabuti syang tao. Hindi sya masama tulad ng sinasabi ni Ate Reigen.
"Ano? Hindi paba tayo magpapatuloy sa paghahanap?"- tanong ko.
Tumayo naman sya.
"Magpapatuloy na."- saad nya sabay lakad paalis.
Agad naman akong tumayo at sumunod sa kanya.
"Yan kana naman, may nasabi ba kong mali para magtampo ka?"- natatawa kong sabi.
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Misterio / SuspensoHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano, an adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves- the biological child of the Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks t...
