Chapter 44: Command

12K 410 27
                                        

Devin Pov~

"Bakit di ka parin nagigising... anong problema... Masyado ka bang nasasarapan sa pagtulog..."- mahina kong saad habang nakatingin sa dalawang araw ng walang malay na si Ice.

"Ilang beses ka ng palaging dinadala sa Clinic, pang-ilang beses na kitang ginamot. Hindi ka ganyan, Nagigising ka kaagad. Pero bakit ngayon..... ayaw mo paring magising... Anong Problema Ice? Anong problema..... Kiela.."- mahina kong saad.

Nakita ko...... Nakita ko ng buo at malinaw ang tattoo sa likod mo. Simbolo yun ng DIA... Kaya naman buong-buo na ang loob ko na ikaw Ice at si Darkiela ay iisa. Sa tingin ko may nangyari talaga sayo, Kaya naman wala kang maalala.

"Gumising kana, Maghahanap pa tayo sa labas diba..... hahanapin pa natin ang kuta ng mga kalaban.. at... huhulihin pa natin sila."- saad ko.

Ngunit wala, hindi parin sya gumigising.

Ayos naman ang lahat, Ang vitals nya maayos. Ano bang problema! naiinis na ko!!!

Hinila ko naman ang upuan sa gilid at yun ay inupuan.

"Hindi ako aalis dito, Hangga't hindi ka gumigising."- saad ko sabay tingin ko sa mukha nya.

Pagtingin ko......

Tch =____= gising na sya. Nakita kong nakabukas ng kaunti ang mga mata nya -_-

"Ganun, Pinagkakatuwaan mo ba kami? Hindi ka gigising?"- saad ko sabay tingin ko sa kanya ng masama.

Bigla naman syang tumawa.

"Nakakatuwa ka lang kasi Mahal na Hari, Yung itsura mo!"- tumatawang saad ni Ice sabay dilat at tingin sakin.

"Hi."- saad nya sabay ngiti.

Tila nawala naman ang tinik sa dibdib ko at nakahinga na ko ng maluwag.

"Hi? Dalawang araw kang tulog, Hindi ka naman ganyan nung mga nauna. Pinag-alala mo lahat dito."- banas kong sabi.

Ngumiwi naman sya.

"Sinamantala ko lang yung pagkakataon upang matulog, Nung isang gabi pa ko may malay. Sadyang ayoko lang na umalis dito kaya naman nagtulog-tulugan ako."- saad nya at pagkatapos akma syang uupo kaya naman agad akong tumayo at agad syang inalalayan.

"Tch. Pwede ka namang matulog kung gusto mo, Hindi yung sa ganung paraan! Pinakaba mo lahat ng mga kaibigan mo, Ang Ate mo... pabalik-balik sya dito palagi. Kabang-kaba dahil sa nangyari sayo!"- saad ko.

"Tch. Oo na, Sorry na! Di mo naba ko mapapatawad Mahal na Hari?"- saad nya.

Bahagya naman akong natawa.

"Hindi ako galit."- saad ko sabay tingin ko ng diretso sa kanya.

"Basta sa susunod, Wag mo na sila ulit pag-aalalahanin. Wag mo ng ulitin yang ginawa mo."- saad ko.

Tumango-tango naman sya.

"And your Command is your Command. Masusunod Mahal na Hari."- saad nya sabay tingin nya sakin na tila nagtataka sya.

Napakunot naman ako ng noo.

"M- May Problema ba?"- tanong ko.

Bumuntong hininga naman sya.

"Nagtataka lang ako, Bakit pinaghihinalaang ako ang Reyna? Ang labo.... Ako si Ice! At ang layo ng Ice sa Darkiela! Ano bang problema.."- saad nya sabay pinanliitan nya ko ng mata.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon