Chapter 1

110K 2.9K 78
                                    

Chapter 1

CRYSTAL'S POV

Palihim kong pinagmamasdan ngayon si Ozu dahil sa natatangi niyang kaguwapuhan. Hindi ko lang maiwasang hindi humanga sa kanya. Kasalukuyang ginaganap ngayon ang reception ng kasal namin dito rin sa Kang Resort kung saan kami kanina kinasal.

May hawak siya ngayong cell phone na kanina pa niya tinitipa. Busy siya roong may katext.

"Pangit, sandali lang ha?" pagpapaalam niya. Tumango lang ako at sinundan siya ng tingin habang palayo.




EZIKIEL'S POV

Nakatanggap kami ng isang text message mula kay Ozu. Pinapunta niya kami ngayon sa isang kuwarto kung saan naroon na siya ngayon.

"Oy! Pinuno, bakit mo ba kami pinatawag?" tanong ni Zyren sa kanya pagkapasok na pagkapasok namin.

"Nakita mong nanchichicks pa ako roon e storbo ka," nairita na sabi ni Darren.

Sabay-sabay kaming naupo tatlo sa sofa samantala siya, naabutan na namin siya ritong hindi mapakali.

Pinagmamasdan lang namin siya ngayon na paroon at parito ang lakad.

"Hoy! Pinuno, kung hihiluhin mo lang naman kami, puwede bang bumalik nalang kami roon sa labas?" ani Darren. Umiling-iling naman si Zyren.

"Oo nga! Bakit ba kasi ayaw mo riyang magsalita? Puwede ba, nahihilo na ako sa 'yo. Umupo ka nga!" Naasar na si Zyren samantala ako pinagmamasdan ko lang sila.

"Tch! Nababaliw na ako!" sabi niya. Sinabunutan pa niya ang sarili niya kaya natawa ako sabay iling.

"Mukha ngang nababaliw ka na! Ano ba kasing pinoproblema mo riyan?" ani Darren.

"Oy! Hindi ka ba masaya na ikinasal ka na kay Crystal, ha? Hindi ba't ayon naman ang matagal mo nang hinihintay? Pambihira naman 'to, oh!" turan naman ni Zyren.

"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin 'yang nasa isip mo?"

Patuloy sina Darren at Zyren katatanong sa kanya habang patuloy lang din siya sa palakad-lakad niya.

"Hindi kasi ako handa, tch!" Naiirita siyang naupo sa sofa. Nananatili lang kaming nagtataka sa mga sinasabi niya.

"Hindi ka ba kasi handa saan?"

"Ano bang ibig mong sabihin? Hindi ka ba nakapag-ahit? Ano ka ba!"

Agad niyang sinamaan ng tingin ang dalawa. "Ano bang sinasabi n'yo riyang dalawa? Hindi naman 'yan ang ibig kong sabihin!"

Nagkatinginan kaming tatlo. "Eh, ano rin ba kasi ang ibig mong sabihin? Malabo ka talagang kausap."

Tuluyan nang hindi nakapagsalita si Ozu kaya nagkatinginan nalang kaming tatlo.

"Baka 'yung honeymoon nila ni Crystal mamaya 'yung iniisip niya." Sumabat na ako sa usapan nila.

Nang biglang nalang humagalpak ng tawa itong dalawa nang mapagtanto nila ang sinabi ko.

"Ayon ba 'yung pinoproblema mo?" Napaupo na sila sa sahig kakatawa. Tinuturo pa nila si Ozu.

"Sana sinabi mo agad sa amin ni Darren," kantsaw pa ni Zyren. Tawang-tawa talaga sila.

Naasar na si Ozu kaya binatukan sila. "Araay!" Kanya-kanya silang hawak sa ulunan nila.

"Ang sakit no'n ah!" angal ni Darren.

"Bakit ba kasi kayo tuwang-tuwa? Dapat kasi, sinabi ninyo sa akin na darating na pala ngayon si Pangit! Ni hindi ko nga alam na ikakasal na ako ngayon. May pa-surprise-surprise pa kayong nalalaman. Hindi tuloy ako nakapaghanda, tch!"

Mabaliw-baliw niyang sinabunutan ang buhok niya. Mukha ngang seryoso na siya habang kami tawang-tawa.

"Alam mo kasi Pinuno..." ani Zyren nang tabihan siya ng dalawa. "madali lang 'yan..." pangiti-ngiti nilang sabi at pinagitnaan siya.

"Kailangan mo nang pampalakas,"

"Nang pampainit,"

"Nang pampati—"

"Hay! Tigilan n'yo nga akong dalawa!" Hinawi niya ang mga 'to at tumabi sa akin.

"Don't worry, mamaya, may ipaiinom kami sa inyo ni Crystal para ganahan kayong dalawa sa gagawin n'yo." Agad niya akong nilayuan matapos ko 'yung sabihin. "Oh, bakit ka lumayo sa akin?" tanong ko.

Binato niya ako ng unan. "Isa ka pa!" naasar niyang sabi kaya palihim ulit kaming natawa.

"Ano ka ba Pinuno! Lahat naman tayo darating diyan 'no!" pagpapaliwanag ni Zyren.

"Oo nga! Saka after ng kasal doon naman talaga ang punta no'n," gumatong pa si Darren.

"Hindi na bale!" huli niyang sabi dahil iniwanan na niya kami rito.

Napapailing nalang itong dalawa.

"Grabe, dapat doon tinuturuan e," may aksyon pang sabi ni Zyren.

"Sundan nalang natin siya," suhesyon ko.

"May plano ako." Umakbay si Darren kay Zyren.

"Ah, teka, parang alam ko na 'yan dre, ah?" Nag-apiran pa sila samantala ako napailing nalang.

Kung ano man ang magiging plano nila, sigurado akong magiging successful 'yon, pagsamahin ba naman ang Chick magnet at Playboy mga batikan 'yan.

Naririnig ko iyong mga pinaplano nila habang naglalakad kami palabas. Napapailing nalang talaga ako.





Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat! 

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon