Chapter 25

51.9K 1.6K 101
                                    

Chapter 25



Moira's Point of View

"Anong sinabi mo?" Gulat ko.


Nagulat lang naman ako sa ibinalita sa akin ng detective na inutusan ko. Sinabi nito sa aking iisa lang daw sina Crystal na asawa ni Ozu at si Melanie Dimakales, na dati naming binubully.



"'Yan po ang totoo, Miss Ko."



Halos mapaupo ako sa sofa dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "S-Sige, puwede mo na akong iwan. Ito 'yung bayad ko." Inabutan ko siya ng checke at nagmadali akong isarado ang pintuan ng umalis siya. "Grabe, hindi ako makapaniwala." Bulong ko. Alam ba ni Ozu na binubulag lang siya ng babaeng 'yon? Ibig sabihin retokada siya at hindi tunay na maganda?



Oh my gosh! As in, oh my gosh! Pagkatapos kong ipaubaya sa kanya 'yong pagiging number one model ko sa kanya, fake lang pala 'yong ganda niya? My gosh talaga, hihimatayin yata ako sa nalaman ko. Hindi talaga ako makapaniwala. As in, really? Iisa silang dalawa? Na di-dissapoint talaga ako ngayon. Kinuha ko ang cell phone ko at tatawagan ko si Nana, ang Best friend ko.








Nana's Point of View

Nandito ako ngayon sa isang mamahaling hotel habang nakikipagdinner sa ilang mga kakilala kong mga sosyal din like me nang biglang magring ang phone ko.



"Excuse me guys." Pagpapaalam ko sabay lumayo ako ng kaonti sa kanila. "Yes? Hello, my Bestie?" Saad ko nang sagutin ko ang call at makitang siya ang tumatawag.



"I have something to tell you na ikagugulat mo." Sabi ni Moira sa kabilang linya.


"Ha? Really? What is it?"


(NANA - Moira's Best friend, Maldita, Model, 2nd KONTRABIDA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(NANA - Moira's Best friend, Maldita, Model, 2nd KONTRABIDA.)



Ozu's Point of View

"Tandaan mo Ozu Kang kapag nalaman ko pa ulit na nagtatanggal ka ng mga tao mo, ikaw ang mananagot sa akin." Sermon ni Pangit habang nag-aalmusal kami. "Naiintindihan mo ba ako Ozu Kang?!" Dugsong pa niya.



"Oo, naman as always." Sagot ko habang pinapakita ko pang masaya ako.



"Okay, pupunta ako ro'n mamaya." Tumango lang ako. Mabuti naman tumahimik na siya.



"Ang almusal ay sigawan ang hapunan natin ay tampuhan~" Kanta ko na siyang ikinabato niya ng sandok sa ulo ko pero mabuti nalang at nakaiwas ako.



"Nang-aasar ka ba talaga?" Bulyaw niya habang nakapamewang.



"Ha? Hindi." Todo iling ako. "Ang ganda talaga ng Pangit ko kapag nagagalit." Pagkasabi ko no'n sumakto na talaga 'yong sandok sa ulo ko kaya madami na akong star na nakikita ngayon sa paningin ko.



ILANG oras pa ang lumipas mabilis akong nakarating ng company. Humikab naman ako habang nakataas ang mga paa ko sa table tapos inikot-ikot ko pa ang upuan dahil wala akong magawa ngayon. Mabuti pa nung nag-aaral ako hindi boring.



Nang biglang may kumatok kaya napaayos ako ng upo. "Yes?"



"Sir," 'Yung assistant ko pala.



"Come in."



"Sir, nandito po 'yong nag-a-apply bilang P.A n'yo."



"Sige, papasukin mo siya."
Pagkapasok nung babaeng sinasabi ng assistant ko napatitig lang ako sa kanya. Sobrang weird niya. Ano bang pag-iitsura mayroon 'to? Tch, kung hindi lang dahil kay Pangit hindi ko na siya papatuluyin pang pagtrabahuin dito.



She look like a rascal at hindi ko siya gusto. Nakasimangot lang ako habang tinignan ko siya mula ulo hanggang paa niya. Pagnakakuha ako ng tiyempo tatanggalin ko siya.






Vote | Comment
Are Highly Appreciated
Miss Jov 💕

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon