Chapter 20
(12:26 AM)Anong oras na pero hindi pa rin ako makatulog. Nakatingin lang ako ngayon kay Ozu habang nakatalikod siya sa akin.
Curious pa rin talaga ako kung bakit baliktad ang polo niya kanina nung umuwi siya tapos may dala pa siyang bagong bag.
Napabuntong hininga ako.
At dahil mahimbing naman ang pagkakatulog niya titignan ko 'yon. Wala naman sigurong masama dahil asawa na niya ako.
Dahan-dahan akong bumaba ng kama at umikot papunta sa puwesto niya. Doon kasi nakalagay 'yung bag.
Habang pinagtatangkaan kong buksan 'to tumitingin-tingin ako sa kanya kasi nga baka magising siya.
Kinapa-kapa ko ang mga bulsa at chineck ko kung anong laman ng loob pero sobrang daming abo-bot.
Hanggang sa may paper bag na maliit akong nakita kaya binuksan ko 'yon. Ngunit laking gulat ko nang makita ko kung anong nilalaman nito.
"S-Swimsuit?" mahina kong bigkas sabay takbo papalabas ng kuwarto. "Hindi..." bulong ko sa hangin sabay nagwalling ako sa pintuan.
Kanino naman 'to? May babae na ba siya? No. Hindi puwede!
Kinabukasan...
OZU'S POV
Parang may tumatamang sinag ng araw sa mukha ko kaya nagising ako. Kinapa-kapa ko 'yung kama para sana yakapin si Pangit pero pagdilat ko wala na pala siya rito.
6:23 na ng umaga, 'yan ang oras ngayon na nakikita ko sa orasan.
"Pangit?" tawag ko sa kanya nang bumaba ako sa sala. Pero walang sumasagot.
"Pangit, nasaan ka?" Nagkukusot pa ako ng mata habang humihikab.
Pinuntahan ko ang kusina, terrace, paligid ng bahay, pati ang dagat tinanaw ko pero wala talaga siya.
At ngayon, napatingin ako sa banyo kaya lumapit ako rito at kinatok ko."Pangit, nandiyan ka ba?" walang sumagot kaya dinikit ko 'yung tainga ko sa pinto. "Pangit, nandyan ka ba, ha?" Pilit ko itong binubuksan ngayon.
Nang bigla nalang may pumasok na hindi maganda sa isipan ko kaya kinabahan ako. "Pangit!" Naalerto ako bigla.
Hindi kaya may pumatay sa asawa ko tapos dito siya nilagay sa loob? Bigla nalang umakyat 'yung dugo sa ulo ko."Pangit!" sigaw ko sabay tadyak sa pintuan dahilan para mabuksan ito.
Oo, nandito nga siya pero nagtataka akong tumitig sa kanya.
"Hihihihi!" Tumatawa siyang mag-isa sa sulok. Nakatalikod siya sa akin.
"P-Pangit, anong nangyari sa 'yo?" kinakabahan kong tanong dahil parang kahawig niya ngayon si Sadako.Nang humarap siya sa akin mas nanlaki ang mga mata ko dahil may hawak siyang gunting at napakatalim no'n.
"Hoy! P-Pangit!" Tinutok niya sa akin 'yung kutsilyo at dahan-dahang lumalabas ng banyo kaya napapaatras ako.
Kinakabahan na ako. Ano bang nangyayari sa asawa ko? "A-Ano bang nangyayari sa 'yo?" hindi niya ako sinagot.
"Hindi ko kayo mapapatawad ng babae mo." halos pabulong niyang sabi at nakakatakot ang itsura niya.
"Ha? A-Anong babae sinasabi mo?" Malapit na siya sa akin kaya napasandal na ako sa pader."Pa...pa...ta...yin...ko...siya..." sabi niya pa sabay labas nung swimsuit na binili ko kagabi sabay ginunting-gunting niya 'to sa harapan ko kaya parang masisiraan ako ng ulo.
"Hoy Pangit! Bakit mo sinira 'yung regalo ko sa 'yo?!"
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Teen FictionBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle