Chapter 5

68.5K 2.2K 61
                                    

Chapter 5


"Ozu Kang?" Dahan-dahan akong nagpunta ng dressing room.

Dinikit ko 'yung tainga ko sa pintuan at pinakinggan ko kung anong nangyayari sa loob pero wala namang kahit anong ingay.

Nang biglang bumukas 'yung pintuan dahilan para manlaki ang mga mata ko lalo na nang mapasubsob ako sa matipuno niyang dibdib kaya napasigaw ako.

Mabilis din akong lumayo nang masalo niya ako.

Titig na titig akong nakatingin sa dibdib niya ngayon. Ilang beses pa nga akong napalunok.

"B-Bakit ka nakahubad ng damit?!" bulalas ko.

"Hindi ko alam. Parang naiinitan ako," pagrereklamo niya pero mahinahon naman ang pagkakasabi niya.

"Eh, bakit ikaw? Bakit nakatuwalya ka lang?" balik niyang tanong sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"Ah, k-kasi nabasa 'yung laman ng paper bag. Nalaglag nung nakakita ako ng insekto kanina. Puwede ba akong manghiram ng damit mo?" Palusot ko.

Naghalungkat siya sa cabinet niya.

"Heto. Suotin mo. Pasensya na medyo malaki 'yan sa 'yo." Inabutan niya ako ng t-shirt at sinamahan na rin niya ng short.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na hindi kuhain 'yon.

Awkward ko siyang nginitian.

"A-Ayos lang." Pagkakuha ko no'n mabilis akong pumasok sa loob ng banyo.

Sumigaw ako sa tuwalya dahil halos mabaliw-baliw ako.

Hanggang sa nakapagbihis na ako. Hindi ko alam kung lalabas na ba ako rito. Hindi talaga ako sanay na may lalaki akong kasama tapos nakahubad pa ng pang-itaas. Ikakabaliw ko yata talaga 'yon.

Bakit ba kasi ang guwapo ni Ozu tapos matipuno pa 'yung pangangatawan niya.

Dahan-dahan kong binuksan 'yung pintuan tapos sumilip ako pero sa pagsilip ko wala na siya roon sa kama.

Nasa dressing room na naman yata siya.

Dali-dali akong humiga sa kama. At dahil nag-iisa lang 'yung kumot hinila ko 'yung kabilang dulo nito para hati kaming dalawa.

Nang mapag-isip kong ganoon ba talaga ang mga lalaki bago matulog? Parang hindi mapakali.

Hay! Erase! Erase!

Nang biglang bumukas iyong pintuan ng dressing room kaya napapikit ako. Sana naman makatulog ako ng maayos nito e mukhang babangungutin ako.

Dahan-dahan kong naramdaman iyong pagsampa niya sa kama. Mabuti nalang at nakatalikod ako sa puwesto niya. Hindi ko kasi kakayanin kong magkaharap kami.

Dinadagundong ako ng puso ko ngayon.

Naramdaman kong nagkumot din siya at humiga na pero parang ako naman yata ang naiinitan.

Unti-unti kong tinanggal 'yung kumot ko pero balewala dahil mainit pa rin talaga.

Hindi naman ako puwedeng maghubad ng damit dito dahil kasama ko siya.

Nagkasabay kaming bumangon nang ilang saglit pa pagkatingin ko sa kanya nakaboxer nalang siya kaya gulat akong nakatitig sa maumbok niyang harapan.

At dahil napako ako sa nakikita ko ngayon—hindi ko na naman naiwasang hindi sumigaw.

"Araay! Bakit ka sumigaw?!" bigla siyang nairita.

"Ah, e, i, b-bakit ganyan nalang ang suot mo?!"

"Tch! Naiinitan nga kasi ako," reklamo niya.

"N-Naiinitan ka rin?" tanong ko habang ang lakas ng kaba sa dibdib ko.

Tumango naman siya. Halata ngang init na init din siya.

"Bakit? Gano'n ka rin ba?" balik naman niyang tanong sa akin.

"Oo. Pero 'yung aircon baka mahina. Tignan mo bilis!" utos ko.

"Naka-volume na 'yan."

"H-Ha? 'Yang lagay na 'yan?" hindi ko makapaniwalang sabi.

"Oo. Tignan mo pa. Hay! Ang init talaga!"

Yung mga abs niya para akong tutuklawin no'n! Maloloka na ako!

Mayamaya pa dahan-dahan siyang lumalapit sa akin. Ang pungay ng mga mata niya.

"P-Pangit..." bigkas niya na para bang may gusto siyang gawin sa akin.

"Oh? B-Bakit?" utal kong pagkakasabi.

Napako ako sa kinauupuan ko.

"H-Hindi ko alam kung bakit ganito 'yung pakiramdam ko," sabi niya.

"Ozu, a-a-ano bang nangyayari sa atin? Hindi ko rin alam bakit ganito 'yung pakiramdam ko ngayon."

Nilapit niya 'yung mukha niya sa mukha ko at magkatitigan na kami. Hanggang sa hindi ko namalayang hinalikan na niya pala ako at natagpuan ko na ring tumutugon ako ro'n. Hindi ko inaasahang bibigay din pala ako. Lalo na nang maramdaman ko ang sunod niyang ginawa sa katawan ko.




Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon