Chapter 55

49.1K 1.5K 86
                                    

Chapter 55



Kinabukasan...

Moira's Point of View

Nagmamadali kami ni Nana na sumugod dito sa Shining Company. Nakakainis kasi. Sino naman ang may gawa ng lahat nang 'to? Bakit kumuha sila ng bagong modelo? Paano na kami? Halos manginig ako sa galit ko.



"Makakatikim talaga sa akin 'yong babaeng 'yon." Sabi naman ni Nana.



Napahinto kami sa tapat ng elevator nang makita naming may mga nilalabas na gamit mula rito. May mga boy na bitbit 'yong mga—"T-Teka, gamit ko 'yon, ah?" Sabi ni Nana habang pinagmamasdan 'yong ilang gamit niya na nilalabas mula rito.



"Hala! Mga dress ko 'yon, ah?" Sambit ko naman at nakakainis lang dahil saan nila dadalhin 'yon?



"Hoy! Hoy! Saan n'yo dadalhin 'yang mga gamit namin?" Hinabol namin ni Nana 'yong mga boy.



"Kayo po ba sina Miss Nana at Miss Moira? Pasensiya na po pero inutusan lang kaming ipatapon na 'tong mga gamit ninyo sa labas."



Nanlaki ang mga mata namin dahil sa sinabi nila. Para kaming mga tanga na nakatulala rito.



"What did he say?" Inis na sabi ni Nana nang matauhan kami.



"Ugh! Sino may gawa nito?!"








Balat's Point of View

Pagpasok ko rito sa Shining Company agad akong binabati ng mga tao. Pinagpulungan din nila ako pero may mga umaawat naman sa kanilang mga body guards. 'Yon nga lang hindi ko alam kong bakit. By the way ito 'yong look ko today kasi pinahatiran ako ng mga damit kaninang umaga ni Ate Mimi sa bahay namin kanina.

Medyo nakakailang dahil hindi ako sanay magdamit nang ganito pero kailangan kong sundin si Ate Mimi dahil na rin sa kontrata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





Medyo nakakailang dahil hindi ako sanay magdamit nang ganito pero kailangan kong sundin si Ate Mimi dahil na rin sa kontrata.



Nang patuloy akong naglalakad papunta sa loob may sumundo sa aking isang lalaki at hinatid niya ako sa isang kuwarto. Pero ang nakakatuwa lang do'n sa pagkakaalam ko kina Moira at Nana 'tong dressing room. "Sigurado kang dito?" Tanong ko sa kanya.



"Opo Miss Sophia, rito raw po sabi ni Ma'am Mimi."



"Ah, gano'n ba? Sige, salamat."



Umalis na 'yong lalaki habang nakatitig naman ako sa pinto. May star kasi do'n tapos ang nakalagay na pangalan ay Ms. Sophia Zamora. Ibig sabihin no'n, mukhang magsisimula na talaga 'yong trabaho ko kay Ate Mimi.



"Oh? Ano pang tinatayo-tayo mo riyan, Sophia?" Napalingon ako nang magsalita si Ate Mimi mula sa likuran ko. Napangiti tuloy ako.



"Tara na, pumasok na tayo sa loob." Tumango nalang ako. At pagpasok namin, "Wow!" Agad akong namangha. Talaga bang may sarili na akong dressing room dito sa Shining Company?



Nilibot ko ang tingin ko rito sa loob.



"Oh, 'di ba maganda? Pinaayos ko 'to kagabi. By the way, narinig mo na ba 'yong news ngayong umaga?"



"Hindi pa po. Ano po bang meron?"



"Kinagat ng nitizens 'yong mga photos mo. Nagustuhan ka nila bilang new Model nitong Shining Company." Masayang balita ni Ate Mimi kaya maging ako ay nagulat din.



"T-Talaga, Ate Mimi?"



"Yup! And one more thing—sigurado akong nabalitaan agad nila Moira at Nana 'yong tungkol dito. I'm sure magwawala na naman sila at papunta na sila ngayon dito kaya be ready. At gusto kong gawin mo kong anong trabaho mo sa akin, gets?"



Napangisi naman ako. "Ilalampaso ko po ba sila? Ate Mimi, yakang yaka ko 'yon!"



"'Yan ang gusto ko sa 'yo! O siya, umpisahan na natin 'yong panibagong photoshoot?"



"Sige po."



Humanda sa akin 'yong dalawang bruhang 'yon sa ginawa nila kay Bes friend. Ipaghihiganti ko siya.



Lalabas na sana kami ng room ko nang bigla kaming magulat dahil pumasok sina Moira at Nana rito. Tapos 'yong reaksyon nila nang makita nila itong loob ng dressing room nila halos hindi maipinta ang mga mukha nila.



"I-Ikaw?" Gulat na sabi ni Nana.



"Ikaw na Pangit ka? I-Ikaw si Sophia Zamora?" Sabi naman ni Moira.



"Pangit?" Bigkas ko sabay taas ng mga kilay ko. Oo mas mataas pa sa mga kilay nilang dalawa sabay lapit ko sa kanila.



"Excuse me, tignan mo nga 'yang itsura mo sa itsura ko? Oo, mas matangkad ka lang ng kaonti sa akin pero hanep naman 'yang ugali mo. Kung makatawag ka ng Pangit sa akin wagas, ah! Puwede ba? Hindi nakikita ang pangit sa panlabas na anyo!"



Tinignan ko mula ulo hanggang paa si Moira matapos kong sabihin 'yon. At nang mahagip ko naman ng tingin si Nana siya naman 'yong pinuntirya ko.



"Ikaw!" Turo ko sa kanya. "Puwes Nana, hintayin mong magNANA 'yang mga mata mo dahil tutusukin ko 'yan once na tarayan mo pa ulit ako. At puwede ba? Umalis na nga kayo rito dahil hindi nababagay 'yang mga pagmumukha n'yo rito. Nakikita n'yo ba 'to, ha?"



Tinuturo ko 'yong pintuan na may star at nakalagay 'yong pangalan ko.



"Simula ngayon, hinding hindi na kayo makakapasok dito dahil teretoryo ko na 'to. Naiintindihan n'yo?!" Sigaw ko sa kanila dahilan para sumuksok sila sa isang sulok.



"Clap! Clap! Clap!"



Napababa 'yong mga kilay ko nang biglang pumalakpak si Ate Mimi.
"Miss Sophia Zamora, mas nagustuhan ngayon ng mga nitizens ang pangalang 'yan kaysa sa mga old models nitong Shining Company. Let's go, kailangan mo nang maraming photoshoot ngayon."



Tumango nalang ako habang paalis kami ni Ate Mimi. Pero bago 'yon, sinenyasan ko na muna sila ng 'Pyscho' sabay irap ng mga mata sabay belat. Sa tingin ko, naasar naman sila sa ginawa ko.




Vote | Comment
Are Highly Appreciated
Miss Jov 💕

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon