Chapter 69
Kinabukasan...CRYSTAL'S POV
Alas-otso na ng umaga pero ayaw pang bumangon ng asawa ko. Nakaligo na ako lahat at ready nang kumain ng agahan dahil nagpahanda na raw si Ate Mimi ro'n sa labas pero siya humihilik pa rin.
"Ozu Kang," malumanay kong tinig.
Tinabihan ko ulit siya at hinalikan ang noo, ilong at labi niya nang bigla niya akong hilahin kaya nagulat ako. Napasigaw pa nga ako dahil hindi ko alam na gising na pala siya.
Umibabaw siya sa akin kaya nahampas ko siya sa braso niya. "Nakakaasar ka nagulat ako!" Umilag siya habang tumatawa.
"Sorry na Pangit. Mahal naman kita, e."
"Niloloko mo naman kasi ako gising ka na pala," nagpout ako.
"Nagising lang ako sa mga halik mo pero tulog pa talaga ako kanina." Nose-to-nose niya akong nilalambing ngayon kaya kinikilig naman ako. "I love you," sabi pa niya kaya napangiti ako ng husto.
"I love you too."Every morning ang lambing niya talaga sa akin. Binubungad niya ako ng salitang I love you sabay halik ng paulit-ulit.
"Maligo ka na." Pinisil ko ang magkabila niyang pisnge.
"Ang daya mo naman hindi mo ako hinintay." Pinisil niya rin 'yung magkabila kong pisnge tapos nagpout pa siya. Tapos no'n umupo na siya at tumalikod sa akin. Nagtatampo siya kaya naman lalambingin ko ulit siya.
"Ozu Kang, sorry na," nagbeautiful eyes ako 'yung palagi naming ginagawa na sorry in a cute version kaya bigla siyang tumawa nang makita niya 'yon.
Humalakhak pa nga siya tapos ayon mukhang nagbago na 'yung mood niya. Nakita kong ngumiti na siya. "Sige, maliligo na ako." Tumayo na siya at tumalikod pero bigla siyang huminto kaya nagtataka lang akong tumingin sa kanya ngayon. Nang humarap siya sa akin bigla siyang napangisi katulad na naman nung ginawa niya kagabi. "Baka gusto mo nalang akong tignan habang naliligo ako Mrs. Kang," natawa ako sa sinabi niya. Ayan na naman kasi siya sa mga pabiro niyang linya.Pero sorry siya dahil hindi ako bibigay sa sinabi niya.
"Ozu Kang, kung ano man ang pumapasok diyan sa isip mo ngayon, puwede ba patanghali na kaya lakad na at maligo ka na ro'n." Tinulak ko siya ro'n at mabuti naman hindi na siya pumiglas pa. Natawa nalang ako.
Nang makapasok siya sa loob pinaghandaan ko nalang siya ng masusuot niya at inayos ko 'yung higaan namin.
Pero pagkatapos niyang maligo talagang sinasadya niya akong akitin.
Lumabas siya ng nakatuwalya lang at sumandal sa pader sabay kagat sa labi at nagpose na parang model. Pero imbes na maakit niya ako natawa pa ako ng husto. Pero in fairness may abs ang asawa ko at ang sexy niya. Too hot!
"Nakakapangtampo kana Pangit," sabi niya sabay irap ng mga mata kaya tumawa nalang ako ng mahina.
Naisipan ko namang lapitan siya at agad kong nilagay ang mga kamay ko sa batok niya. Agad ko siyang hinalikan baka sakaling mawala 'yung pagtatampo niya sa akin. Nang maramdaman kong gumaganti na rin siya ng halik sa akin napangiti ako pero pinagpatuloy ko pa rin 'yon.
Hanggang sa naramdaman kong gumagapang na 'yung kamay niya sa loob ng damit ko at mukhang pupunteryahin niya 'yung bra ko kaya bago pa man niya 'yon i-untuck pinigilan ko na siya. Tumigil ako sa paghalik ko sa kanya.
"Ozu Kang," bigkas ko ng mahina. "Promise mamayang gabi nalang, okay? Then, magbihis ka na." Inabot ko 'yung mga damit niya tapos para siyang tuta na sumunod habang tumatango.
Napangiti nalang ako sabay iling. Mabuti nalang at hindi na siya nagpumilit pa. Pero kinikilig talaga ako sa kanya kapag gano'n siya.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Teen FictionBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle