Chapter 38

46K 1.4K 12
                                    

Chapter 38


CRYSTAL'S POV

Napabangon ako bigla nang may mapanaginipan akong masama. Nilibot ko naman 'yung mga mata ko dahil parang iba 'yung itsura ng kuwarto. "N-Nasaan ako?" bigkas ko dahil sa pagkakatanda ko nasa bahay ako ni Balat.

"Best friend?" tawag niya kaya medyo natauhan ako sabay buntong hininga.

"Nasa hospital ba tayo? Anong ginagawa ko rito? Nasaan si Ozu Kang? Hinanap ba niya ako?" sunod-sunod kong tanong.

"Relax lang Best friend, kumain ka na muna. Ito, binilhan kita ng masusutansyang pagkain para naman maging malusog 'yang bata na nasa sinapupunan mo," aniya.

"Ano'ng bata 'yung sinasabi mo?" Naguguluhan ko siyang tinignan habang hinahainan niya ako ng makakain.

"Ipapaliwanag ko sa 'yo basta dapat kumain ka, ha," tumango nalang ako. Nagugutom na rin kasi ako. "Best friend..." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya habang nakain na ng lugaw.

"Buntis ka."

Pagkasabi niya no'n bigla akong nabilaukan. "Oho! oho! Anong sinabi mo?" Sa narinig kong 'yon parang bumalik ako sa katawang lupa ko.


"Buntis ka. Oh, my gosh! I'm so happy for you my Best friend! Magkakaanak na kayo ni Ozu!" Mabilis niya akong niyakap. Napalunok naman ng kusa 'yung lugaw sa bibig ko sabay tingin sa tiyan ko.


"B-Buntis ako?" bigkas ko ulit sabay tango naman ni Balat.

"Totoo! Oh, my gosh, masayang masaya talaga ako para sa 'yo!"

Bigla akong napangiti. "M-Magkakababy na ako?" Nanggilid 'yung mga luha ko. "Hindi pa alam ni Ozu Kang ang tungkol dito?" tanong ko pa sa kanya.

"Hindi pa. Ayokong sabihin sa kanya dahil sa tingin ko ikaw ang dapat magsabi no'n sa kanya."

"Oo, tama ka! Ako nga dapat ang magsabi sa kanya no'n."

Halos mapaluha ako sa nalaman ko. Kahit nung una ayoko ko pa magkaroon ng anak dahil sa tingin ko hindi pa ako handa para ro'n pero ngayong narinig kong magkakababy na ako—parang mas naging excited ako. Nagtagumpay kami ni Ozu sa mission.

"Umalis na tayo rito. Dapat makausap ko na si Ozu Kang tungkol dito." Agad akong tumayo dahil excited na akong sabihin 'to sa kanya.



OZU'S POV

"Hay, bakit ang traffic?"

Nakakainis naman! Hanggang ngayon sinusubukan ko pa ring tawagan si Pangit at Balat pero hindi ko na sila macontact. Baka kung na paano na si Pangit, kasalanan ko 'to.

Papunta ako ngayon ng Hospital. Ayon kasi 'yung sinabi sa akin ng Nanay ni Balat nung nagpunta ako sa bahay nila kanina. Pero ang nakakainis do'n sobrang traffic.




CRYSTAL'S POV

Bago ako tuluyang umalis ng Hospital kinausap muna ako ng doctor. Sinabi nitong bawal ako magpagod lalo na ang ma-stress para sa ikabubuti ng dinadala ko dahil daw mababa ang mattress ko. Pagkatapos no'n nagbayad na kami ng Hospital bill ni Balat tapos nagmadali na kaming lumabas.

Pero sa paglabas naming 'yon, hindi ko alam kung bakit parang pinagtitinginan ako ng lahat ng mga taong nakakakita sa akin ngayon.

"Ahm, Best friend, sandali lang pala. CR lang muna ako. Umupo ka na muna riyan sa bench at hintayin mo ako. Bibilisan ko lang." tumango lang ako sa kanya.

Agad naman siyang nanakbo palayo samantala naiwanan naman akong mag-isa rito sa bench at nakatingin lang sa mga taong nakatingin lang din sa akin ngayon.

Ano bang meron? Kakaiba kasi 'yung mga titig nila sa akin.

"Siya ba 'yon?"

"Ay, oo nga, parang siya 'yon."

"Yung retokada."

"Si Miss Crystal Kim, naandon siya, oh!"

"Ano kayang ginagawa niya rito?"

"Tignan n'yo, hindi halatang retokada siya."

"Oo nga 'no?"

"Hi, Miss Crystal Kim." Nang biglang may dalawang dalaga na lumapit sa akin.

"Hi!" Bati ko rin sa kanila habang nakangiti ako.

"Hindi po kami naniniwalang retokada po kayo."

"Ha?" Nagulat ako sa sinabi nila.

"Hindi ba totoo naman po talagang tunay ang ganda n'yo?"

Ano ba 'yung sinasabi nila? Bakit nila nasasabi 'yon?

"O-Oo naman. Bakit n'yo pala naitanong?"

"Hindi n'yo pa po ba alam? May kumakalat pong balita tungkol sa inyo. Ito po oh! Sabi retokada raw po kayo."

May inabot silang tablet sa akin. Nakita kong nakaopen 'yung facebook account nila. Punong-puno ng mga pictures ko nung pangit pa ako at ngayong itsura ko 'yung news feed nila.

Pero sino naman kaya 'yung may gawa nito? May hashtag pang retokada ako.

"Di naman po totoo 'yon 'di ba Miss Crystal?"

"Ha? Ah, oo naman."

"Sabi na nga ba! Baka naman po may sumisira lang sa inyo."

"Kaya nga. 'Wag po kayong mag-alala Miss Cystal, hindi naman po kami naniniwalang mga taga hanga n'yo sa balitang 'to. Puwede po ba kaming magpapicture sa inyo?"

"Ha? Sure." Nakangiti kong sabi sa kanila. Pero sa totoo lang hindi ko alam kung paano nangyari 'to. Kailangan ko na talagang makausap ngayon si Ozu tungkol dito.

Tumayo na ako at umalis pagkatapos magpapicture nung dalawang dalaga sa akin. I-te-text ko nalang si Balat dahil kailangan ko na talagang mauna. Hindi biro 'tong kumakalat ngayon sa social media.

Buong pagkatao ko ang nakataya ngayon dito.

Pero sa paglabas kong 'yon,hindi ko inaasahan na sina Moira at Nana ang makikita ko ngayon dito sa labas.





Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon