Chapter 51
BALAT'S POVHalos magbali-baliktad na ako at kung ano-ano nang posisyon sa pag-upo ang ginawa ko rito sa loob ng kotse ni Darren dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya lumalabas do'n sa loob ng Bar.
Hindi ko alam kung hanggang anong oras siya mananatili ro'n e hindi ko naman siya matext dahil hindi ko alam kung anong number niya para sana makaalis na ako rito.DARREN'S POV
3:24 AM na pala. Tumayo na ako upang makapagbihis. Pero bakit gano'n para kasing may nakalimutan akong gawin kanina. Hindi ko maalala kung ano 'yon.
"Hey, you want me to leave here alone?"
Napalingon ako sa kama nang biglang magsalita 'yung hot chick na naikama ko kanina. Nang titigan ko siya muli niya akong inaakit, damn! Humihirit pa siya ng isa pang round. Hindi pa ba sapat sa kanya ang ginawa namin kanina? Ang tagal naming nagpakasarap sa kama.
Nang matapos akong magbihis nilapitan ko siya. "You're so damn hot when it comes to bed. Pero mayroon pa namang next time. I'll call you." Bulong ko. Kinindatan ko siya bago ako tuluyang lumabas do'n.Napapailing nalang ako habang naglalakad palabas habang nakangiti. Pagpunta ko naman sa kotse ko parang may tao yata sa loob?
"The heck!" bigkas ko nang maalala kong kasama ko nga pala si Balat kanina kaya dali-dali kong binuksan 'yung kotse ko.
Nang makita ko siya napailing nalang ako. Nakakakonsensya lang din dahil napaghintay ko siya rito ng matagal. Naupo ako sa driver seat habang pinagmamasdan ko siya. "Bakit ba kasi hindi siya marunong magtanggal ng seat belt?" bulong ko.
Pinaandar ko na ang kotse pero nakakaramdam na ako ng antok kaya nung nakakita ako ng coffee shop inihinto ko 'to sa isang tabi.Sinubukan kong gisingin si Balat para samahan akong bumili ro'n.
Pagkamulat niya nagulat ako dahil parang zombie niya akong tinignan.
"Bakit ang tagal mong lumabas sa BAR?!" sigaw niya sa akin sabay turo ng hintuturo niya sa mukha ko kaya napatingin ako rito. "Ang landi mong lalaki ka 'no? Sana man lang naisip mong ihatid muna ako sa amin bago ka nakipaglandian do'n!"
Nagulat ako sa inasta niya kasi first time lang may gumawa sa akin no'n. Siguro tama lang naman na magalit siya. "Okay, fine, I'm sorry. Tara! Mag-coffee muna tayo. Samahan mo ako." Tinanggal ko 'yung seat belt ko at umikot ako ng sasakyan papunta sa gawi niya.
"Tignan mo 'tong lalaking 'to, may gana pa akong yayain dito. Wait! Tignan mo nga 'yung oras, madaling araw na kaya puwede ba ihatid mo nalang muna ako sa amin dahil papagalitan na ako ng Tatay ko!"
Natuwa ako lalo dahil sa sinabi niya. Ang ingay niya rin pala kasi. Strict pa ang parents. "Ako nang bahala sa Tatay mo. Ihahatid naman kita sa inyo, e. Inaantok na kasi ako, mahirap na baka mabangga tayo." Tinanggal ko na rin 'yung seatbelt niya.
"O, e, bakit kailangan mo pa akong isama ro'n? Bumili ka nalang mag-isa." Parang nag-iinarte siya. Kung ibang babae 'to tuwang-tuwa sila sa ginagawa ko pero siya mukhang nakaka-challenge pa.
"Basta, halika na." Hinawakan ko siya sa pulsuhan niya.
"Ayoko nga kasi hindi ka ba makapag solo papunta ro'n?!""May dahilan ako kaya halika na!" Hindi ko siya binitiwan. Tuluyan ko na siyang nahila kaya wala na siyang nagawa. Pero nakasimangot siya nang pumasok kami rito sa loob ng shop. Nang makita ako ng mga babae rito ano pa nga ba, pinagtitilian na naman nila ako.
"Hi! Sir Darren~"
"Sir Darren! Ano pong order n'yo~?"
"Sir Darren, dito nalang po kayo om-order."Ganito ang eksena rito sa tuwing napapagawi ako kaya sinama ko si Balat. Nag-uunahan papalapit sa akin 'yung mga crew at cashier.
"Himala Sir Darren kasama n'yo po 'yung P.A n'yo?"
Napatingin ako kay Balat nang marinig ko 'yon, 'yon pala, nakataas na 'yung mga kilay niya sa mga kaharap kong babae ngayon kaya bigla naman akong natawa.
"Hoy! Anong P.A ang pinagsasasabi n'yo? Puwede ba? Itikom n'yo nga 'yang mga bibig n'yo kung ayaw n'yong tahiin ko 'yan!" bulyaw niya sa mga babae na lalo kong ikinangiti.
"A, e, kaano-ano po ba kayo ni Sir Darren? Sorry naman po."
"Kaibi—"
"Girlfriend ko siya. Please pa-order ako ng one hot choco and one hot coffee."Halos mapanganga ang mga babae sa sinabi ko at nagulat naman si Balat. Matapos naming makaorder hinila ko na siya palabas do'n at nagderetso na ulit kami sa kotse ko bitbit 'yung maiinom namin.
"Natahimik ka yata?" tanong ko sa kanya sabay higop ko sa mainit na kape.
"Ang lakas din kasi nang trip mo 'no?"
"Gusto mo rin naman? Hindi ba't crush mo ako?" Sinubukan ko siyang tuksuhin.
"Feeling ka!" aniya.
"'Wag mo nang itanggi dahil halata naman," natatawa kong sabi.BALAT'S POV
Hindi na ako umimik. Nakakainis lang dahil ang lakas niyang mang-asar. Mamaya ma-fall pa ako sa kanya. Baka sabihin ni Best friend nawala lang sila ni Ozu nilandi ko na si Darren.
"Bahala ka kung ayan ang ilusyon mo," sabi ko sabay inom ng hot choco pero sadya talagang nananadya siya kasi nung sinakbit niya ulit 'yung seat belt sa akin talagang nilalapit niya 'yung mukha niya sa akin nang husto.
Kasi alam niyang iniiwas ko 'yung mukha ko e sa tuwing gagawin niya 'yon.
Winisikan ko siya ng mainit na hot choco sa mukha niya. "Ugh! Ang init no'n! Bakit mo ginawa 'yon?" Tumahimik lang ako nang magalit siya.
"Okay, fine, gusto mo ng laro?"
"Anong pinagsasasabi mo riyan?" Hindi niya ako sinagot pero nakangisi lang siya.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
JugendliteraturBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle