Chapter 15

56.1K 1.9K 30
                                    

Chapter 15


CRYSTAL'S POV

Nakasimangot pa rin ako ngayon. "Nakakainis naman kasi, ayon ang ayoko sa kanya 'yung masyado siyang mahigpit sa akin," kinausap ko ang sarili ko habang napaupo nalang sa kama.

"Pangit! Buksan mo 'to!"

"Ang ingay niya nakakairita na," nakatingin lang ako sa pintuan at 'di ko siya pinagbubuksan.

"Pangit! Sinabi ko nang buksan mo 'to!"

At dahil hindi na ako nakapagpigil tumayo na ako at padabog ko siyang pinagbuksan.

"Ano ba Ozu Kang! Puwede ba 'wag ka namang ganyan!" bungad ko sa kanya kaya nagsalubong din ang dalawa niyang kilay.

"Ginagawa ko 'to para sa atin. Bakit ka ba nagagalit? Siguro may gusto ka pa rin kay Ezikiel hanggang ngayon 'no?!" sinigawan niya rin ako kaya nagpanting ang tainga ko.

"Oy Ozu Kang! Nakita mo nang nagkabalikan na sila ni Moira. May girlfriend na 'yung tao saka nahihibang ka na ba, ha? Magpapakasal ba ako sa 'yo kung may gusto pa rin ako sa kanya hanggang ngayon?!"

Halos magsigawan kaming dalawa pero mabuti naman at mukhang natauhan siya sa sinabi ko. Pareho kaming nakaupo ngayon sa kama at hindi nag-iimikan.

"Mag bihis ka," utos niya.

"Saan naman tayo pupunta? Ayokong lumabas!" Humiga ako sa kama at pinapakita kong tinatamad akong sumama sa kanya. Isa pa, gabi na.

"Okay, I'm sorry," paghingi niya ng tawad habang 'di makatingin sa akin.

Mabuti naman at nakarealize siya. Wala naman kasi siya sa lugar magselos.

"Gusto kong lumabas tayo para kumain." Nagugutom na naman siguro ulit siya. Mga lalaki talaga ang lakas kumain.

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Hahayaan ko ba naman siyang magutom kaya sasamahan ko na siya kahit naiinis ako sa kanya.

"Sige na, lumabas ka na muna at magbibihis lang ako," mahinahon kong sabi kaya't tumayo na siya at naglakad ng matamlay.

Siguro naubusan siya ng lakas dahil kakasigaw niya sa akin at kakaselos.

"Sige, hihintayin kita sa baba." Pati boses niya matamlay din. Sinarado na niya 'yung pintuan nang makalabas siya ng tuluyan.

****

Matapos kong magbihis bumaba na agad ako. Nakaskirt lang ako ng hanggang tuhod at t-shirt ang pangloob ko. Baka kasi mamaya magalit siya sa akin kapag sexy 'yung suot ko kaya casual lang.

"Ikaw naman ang magbihis," utos ko sa kanya.

Nung hindi siya sumagot nilapitan ko na siya, 'yon lang natutulog pala kasi siya rito sa sofa.

Tinabihan ko siya at hinawi ang buhok niya.

"Ozu Kang, sana naman kasi 'wag kang masyadong mahigpit sa akin. Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko 'di ba? Sana hindi mo na ibalik pa 'yung nakaraan dahil nakaraan na nga 'yon."

Nang pagmasdan ko ang mukha niya napabuntong hininga nalang ako.

"'Di ko rin naman kasi siya masisisi kung bakit gano'n siya sa amin ni Ezikiel. Pero dati naman na nga kasi 'yon." Kausap ko pa rin ang sarili ko.

Nang bigla niyang iminulat ang mga mata niya. "G-Gising ka?" Napaupo tuloy ako sa sahig nang makita kong tumango siya.

"Oo at narinig ko lahat ng sinabi mo," turan naman niya sabay tayo.

Tapos bigla niya akong kinulong sa mga bisig niya. Ang lapit na naman ng mukha niya sa mukha ko kaya napalunok ako.

"'Wag na tayong lumabas," bulong niya sa tainga ko.

"Ha? P-Para saan pa at pinagbihis mo ako?"

"Gawin nalang natin 'yung mission natin para magkababy na tayo," pagkasabi niya no'n hinawakan niya ng mahigpit 'yung dalawa kong kamay.

"Oy! Oy! Ozu Kang, tigilan mo nga ako!"

Pilit akong pumapalag sa kanya pero dahil nga lalaki siya ang lakas-lakas niya.

Nang bigla siyang tumawa ng malakas sabay umupo siya ng maayos sa sofa at binitiwan ako. Nagtaka ako sa inasta niya.

Aba! Pinagtitripan ba niya ako?

"Ozu Kang!" sigaw ko sa sobrang inis.




Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon