Chapter 71
MIMI'S POVAlas-singko na ng umagakaya lumabas na ako ng room para ipaalam sa mga taga kitchen na maghanda naulit ng breakfast namin dahil last day na namin dito ngayon. Sandali ko namanginiwan si Russel sa room dahil tulog pa naman ang anak ko. Pero nang mapatanawako sa bandang kaliwa ko, nahagip lang naman ng mga mata ko sina Zyren atEhdrey na naglalakad habang magkaholding hands.
At pagtingin ko naman sa bandang kanan ko, ang nakita ko naman sina Sophia at Darren. Nakayakap si Darren kay Sophia habang nakatalikod si Sophia at nakatanaw sila sa tanawin habang nagtatawanan.
Sandali ko pang kinusot ang mga mata ko baka kasi mamaya namamalikmata lang ako. Pero nang muli ko silang balikan ng tingin napanganga ako. "Anong nangyari? May namuo sa kanila?" Wala sa sarili kong sabi.
OZU'S POVBigla akong nagising nang mangalay ang kanan kong katawan. Pagdilat naman ng mga mata ko pareho pala kaming nakatalikod ni Pangit sa isa't-isa. Nang silipin ko siya tulog pa siya.
Pagtingin ko sa orasan alas-singko pa lang naman pala kasi ng umaga.
"Pangit..." Bulong ko sa tainga niya, kasi nga, nakatalikod siya sa akin. Gusto kong humarap siya sa akin ngayon. 'Yun nga lang hindi pa rin siya nagigising kaya hinalikan ko na siya. "Pangit..."
"Hm?" Aniya. Gising na siya kaya pinaharap ko siya sa akin. At nang humarap na siya sa akin marahan ko siyang hinawi at pumaibabaw ako sa kanya.
Gigisingin ko siya sa pamamagitan ng mga matatamis kong halik. Sinimulan ko 'yon sa lips niya, sa chick, hanggang sa bumaba. At nang makita kong gising na nga siya nginitian niya ako at inilagay niya ang mga kamay niya sa batok ko. I closed my eyes and I started to kiss her passionately nang biglang may kumatok, damn it bigkas ko sa isipan ko.
Napahinto tuloy ako sa paghalik ko sa kanya. Tapos may kumatok ulit. Sino 'tong buyset na 'to storbo! Nando'n na tayo e.Pero baka nan-ti-trip lang kaya hinalikan ko ulit si Pangit at tinuloy ko ang ginagawa ko sa kanya. Eh, bigla na namang may kumatok. Walang hiya! Sino ba 'yon? Pareho kaming napatingin ni Pangit sa pintuan.
"Ozu Kang, buksan mo na muna 'yon, baka importante lang." Utos niya kaya wala naman akong magawa kundi ang tumayo at sumunod. Nakakainis. Nando'n na e, malapit na e. Napakamot tuloy ako ng ulo. Mapapatay ko talaga 'to kung sino man 'tong storbo na 'to.
Binuksan ko 'yung pintuan at ang bumungad lang naman sa akin, "Ate Mimi?" Gulat ko. "Pambihira ka naman Ate storbo ka. Nando'n na e!"
"Hay, oo na, sorry na. Mamaya n'yo nalang ituloy ni Crystal kung ano man 'yung gagawin ninyo. May itatanong lang naman kasi sana ako."
"Hi, Ate Mimi, good morning," bati ng asawa ko. Bumangon na pala siya at lumapit pa sa amin ni Ate Mimi rito sa pinto.
"Goodmorning din, pero itatanong ko lang sana kung may na-i-kukuwento ba 'yung apat sa inyo?"
"Na ano? Sinong apat? Parang super curios ka naman Ate Mimi. Ano ba 'yon?" Iretable kong tanong. In-storbo niya kasi ako e, tch!
"Si Sophia, si Darren, si Ehdrey at si Zyren, ang aga-aga parang nagda-date ro'n sa labas o hindi ba ako macucurious, ha?!" Pagsusungit niya na siya naman naming ipinagtaka ni Crystal dahil wala namang nababanggit sa akin ang mga King. Nagkatinginan pa nga kaming mag-asawa.
"Yung apat Ate Mimi?" paninigurado ni Crystal."Oo, tara, tignan n'yo." Nagkatinginan ulit kami ni Pangit sabay labas namin sa kuwarto. Nang makapunta kami malapit do'n sa may malaking puno at malapit sa pool, nakita nga namin 'yung apat na kaaga-aga ang sweet sa isa't-isa.
"See?" saad ni Ate Mimi sabay taas ng dalawang balikat niya.
"Oo nga 'no? Ate Mimi, mukhang dahil 'yon do'n sa games natin," ani Crystal.
"Tingin ko nga." Napaisip si Ate Mimi. "Pero at least, napaamin natin sila sa isa't-isa." Tumango-tango siya habang nakangiti.
"At least din, magtitino na 'yang dalawang 'yan. By the way, last day na natin ngayon dito 'di ba?" tanong ko.
"Oo. Bakit?" Mabilis na sagot ni Ate Mimi sabay tingin sa akin.
"Wala! Bumalik ka na ro'n sa kuwarto mo Ate dahil may gagawin pa kami ng asawa ko kaya puwede ba 'wag ka na ulit mangstorbo?"MIMI'S POV
Matapos 'yung sabihin ng kapatid ko sa akin nginisian ko nalang siya. Hinila na niya si Crystal palayo.
"Grabe 'to!" Anas ko. "Makaalis na nga rin dito." Naglakad na ako papuntang kitchen tutal hindi rin naman ako mapapansin nung apat dahil in love na in love na rin sila sa isa't-isa.CRYSTAL'S POV
Pagpasok namin sa loob ng kuwarto namin ni Ozu agad niyang ni-locked 'yung pintuan. "Hay! Kapag may nang storbo pa talaga kakatayin ko na!" sigaw niya ro'n sa harapan ng pinto kaya natawa naman ako.
Nandito na ako ngayon sa kama at humiga ulit. At least, masaya na ako ngayon para kay Best friend at kay Ehdrey. Sana nga talaga sila na 'yung makapagpatino sa dalawang King. Para tumigil na sila sa pagiging mga babaero nila at laman ng Bar.
Nang bigla naman akong daganan ng asawa ko at hinalikan niya agad ako kaya hinayaan ko na siya. Kahit araw-araw namin 'tong ginagawa parang hindi siya nagsasawa.
Nang bigla niyang hininto ang paghalik niya sa akin tapos nagkangitian kami. Hinawi ko naman 'yung buhok niya dahil natatakpan no'n 'yong mata niya.
Sa mga pagtitig niya sa akin ngayon alam ko na kung anong gusto niyang gawin namin kaya nilagay ko na ang mga kamay ko sa batok niya. Mayamaya pa, muli niya akong hinalikan kaya nagpatangay na ako sa kagustuhan niya. Hanggang sa lumalim 'yon tuluyan ko siyang pinagbigyan.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Novela JuvenilBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle