Chapter 78
OZU'S POV
Maraming binilin sa amin ang doctor para maging ligtas ang pagbubuntis ni Crystal sa mga susunod pa na araw at buwan.
Paglabas namin dito wala na 'yung mga kaibigan namin kaya umuwi na rin kaming mag-asawa. Nandito kami ngayon sa kuwarto namin habang buhat siya. "Ozu Kang, okay lang ako ano ka ba? Magtwo-two months palang naman 'to kaya ibaba mo na ako." Nahihiya niyang sabi pero hindi ko siya pinakinggan. Binaba ko siya pagkarating na namin sa kama. Tapos pinakinggan ko 'yung tiyan niya.
"Pangit, parang gumagalaw mga Baby natin sa tiyan mo," ani ko habang nakangiti lang sa akin si Crystal. "Mahal na mahal ko kayo ng mga baby natin," turan ko sa kanya at hinawakan ko 'yung dalawa niyang kamay.
"Ozu Kang, mas mahal ko kayo ng mga baby natin." Hinalikan niya ako sa ilong kaya napangiti ako. Nakatingala ako sa kanya ngayon dahil nasa kama ako. "Nga pala, anong gusto mong ipangalan sa kanila?"
"Hmm, 'di ba ang gusto ko 'yung malapit sa pangalan ko?" agad siyang tumango. "Nag-iisip pa ako. Pero hindi pa kasi tayo sure kung Baby boy o Baby girl sila? Pero puwede rin namang pareho silang mga baby boy?""Sige, kung sino ang unang lumabas at kapag lalaki siya, Dazu ang ipapangalan nati sa kanya. Malapit siya sa name mo. Gusto mo ba 'yon?"
"Nice name, Dazu Kang. Gusto ko siya, Pangit," nakangiti kong sagot. "Eh, 'yung isa? Kung halimbawang lalaki pa rin siya anong pangalan niya?" dugtong ko.
"E 'di, 'yung unang letter sa pangalan ko. Cazu?"
"Parang pambabae 'yon, Pangit. Bakit 'di nalang natin gawin na letter K 'yung unahan niya? Kazu. Kazu Kang. Gusto mo ba 'yon?"
"Gustong-gusto! Dazu Kang and Kazu Kang..." aniya sabay ngiti kaya hinimas ko ulit ang tiyan niya.
"Hello mga baby namin ni Pangit? Ako ang Papa n'yo si Ozu Kang. Excited na akong lumabas kayong dalawa para may kalaro na ako. Pero kung babae man ang isa sa inyo, at least, may princess naman kami."
CRYSTAL'S POVNakangiti kong pinagmamasdan si Ozu habang kausap niya 'yung mga baby namin sa tiyan ko.
Pero sana nga, wala ng maging aberya sa pagbubuntis ko. Pinapangako kong hinding-hindi ko na kayo hahayaang mawala sa buhay namin ni Ozu Kang. Kazu and Dazu Kang—ang mga baby boy naming dalawa pero kung baby girl naman, siguro, ipapareho ko nalang sa pangalan ko.
"Pangit, 'di ba sabi ng doctor ano..." umiikot 'yung mga mata niya. May tinutukoy siya na hindi ko maintindihan.
"Ha?" pagtataka ko.
"Yung gawin daw natin araw-araw 'yung ano—para mabuo ng husto sila baby. Maliligo na muna ako. Pero baka may gusto ka pang kainin o ano? Sabihin mo lang at lalabas ako para bilhan kita ng mga makakain mo."
Natawa ako ng kaonti sa una niyang sinabi. Pervert na yata 'yung husband ko. "Okay, ang gusto ko..." Tinitigan ko 'yung katawan niya kaya para naman siyang naging excited.
"Ayokong maligo ka. Saka ayokong magpalit ka ng damit mo. Gusto ko kasi 'yung amoy niyan."
"Ha? 'Yun 'yung gusto mo? Walang mas higit do'n?" Pagtataka naman niya. Tapos para siyang naging matamlay. Napakamot pa nga siya sa ulo niya."Ewan ko ba pero gustong-gusto ko talaga 'yang amoy ng damit mo. Kapag naligo ka magagalit ako sa 'yo," sinamaan ko siya ng tingin.
"Y-Yun lang ba talaga? Pero bakit 'yon? Hindi ako makakatulog ng hindi naliligo," reklamo niya pero naiinis ako na ewan na naaawa sa kanya.
"Hay! 'Yun ang gusto ko Ozu Kang! Ayoko nga kasing maligo ka. Akin na pati 'yang damit mo na suot mo ngayon, itatabi ko 'yan sa pagtulog ko."
"Ha? Bakit pa? E magkatabi naman na tayo? Isa pa, marumi na 'to."
"Eh, bakit ka ba nagrereklamo? Ayon nga ang gusto ko!" pagsusungit ko dahil ang kulit niya kasi.
"Hay!" angal naman niya sabay nagdabog.Tumayo kasi ako at pilit pinapahubad 'yung marumi niyang damit kaya ngayon nakahubad na siya ng pang itaas. Tapos inamoy-amoy ko naman 'yung damit niya. Bangong-bango ako rito kaya napangiti ako.
Pero nang makita ko siyang papunta ng dressing room pinigilan ko siya.
"Magbibihis ako, Pangit," sabi niya pero umiling lang ako. "Gusto kong 'wag kang magdamit ngayon, saka dapat magboxer ka nalang please~" sabi ko in a cute version kaya imbes na mainis siya sa akin hinila niya ako papunta sa kama saka ako kiniliti.
Wala na akong ginawa ngayon kundi ang tumili at tumawa. "Ozu Kang ayoko na! Tama na! May kilit ako riyan, please!"Hanggang sa lumipas ang ilang oras pareho na pala kaming nakatulog. Ala-una pa lang ng madaling araw ngayon. Pagtingin ko sa kanya halos mamaluktot siya sa ginaw kasi nga nakahubad lang siya. Ayoko kasi siyang pagdamitin dahil ang gusto ko nakahubad lang siya. Gustong-gusto ko kasi makita 'yung kilikili niya tapos 'yung dibdib niya. Ewan ko pero mukhang si Ozu yata 'yung pinaglilihian ko.
Agad akong bumangon para kumuha ng damit niya. At habang natutulog siya dinamitan ko siya. Tapos 'yung damit naman niyang marumi kanina na trip-an ko 'yung suotin ngayon. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin ngayon. Pero basta, ang mahalaga, ito 'yung gusto kong gawin. Pinagmamasdan ko lang siya habang natutulog. Gustong-gusto ko siyang pinagmamasdan palagi.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Teen FictionBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle