Chapter 14

57.8K 2K 50
                                    

Chapter 14


CRYSTAL'S POV

Grabe si Ozu sa ginawa niya sa akin kanina, halos hindi ako no'n makahinga. Humanda siya sa akin mamaya.

Nang makapagbihis na ako dumeretso agad ako sa kusina para hainan ng makakain ang mga King.

Nagkukuwentuhan sila roon sa sala.

"Hi!" pagbati ni Ezikiel sa akin nang puntahan niya ako rito na siya kong kinagulat.

"Oh! Ezikiel," nakangiti ko siyang tinignan.

"Kumusta kayo rito ni Ozu?" Lumapit siya sa akin. Nakasandal lang siya sa lababo.

"Ha? Okay naman kami rito. Ang ganda ng place 'no?"

"Oo. Napakaganda ng lugar n'yo ganoon din itong bahay n'yo."

"Sina Ate Mimi ang pumili nito," nagkangitian kaming dalawa.

"The best talaga ang mga Ate ni Ozu."

"Siyang tunay," nagkatawanan pa kami.

"Tulungan na kita riyan." Mabilis niyang kinuha 'yung tray na may lamang mga pagkain at Juice. Ang kaso bigla ring pumasok si Ozu rito kaya nagulat kaming dalawa ni Ezikiel.

"Hoy Ezikiel!" sigaw niya.

Pilit niyang hinahablot 'yung tray sa kamay ni Ezikiel.

"Ako na ang magbibitbit nito. Lumayo ka kay Pangit! Layo!" pinapaalis niya ang kaibigan niya na para bang tuta.

Samantala natatawa naman sa kanya si Ezikiel at natutuwa pa sa inaasta niya. Pero ang weird ngayong araw ni Ozu.

"Ano ka ba Ozu, hindi ko na aagawin sa 'yo si Crystal," natatawang sabi ni Ezikiel na para bang nang-aasar pa.

Pilit niyang pinapauna si Ezikiel sa paglakad papuntang sala.

"Bakit? Anong meron?" pagtataka ni Darren nang makarating kami rito sa sala. Samantala nilapag naman ni Ozu 'yung mga pagkain sa lamesa.

"'Wag ka nang didikit kay Pangit kakalbuhin kita!" pagbabanta niya kaya nagtawanan ang lahat.

"Grabe 'to si Pinuno. May Moira na 'yan kaya hindi na niya maaagaw sa 'yo si Crystal. Isa pa, kasal na kayo," pagpapaliwanag ni Zyren habang nakatingin lang ako sa kanila.

"Siguraduhin niya lang dahil kung hindi, patay ka sa akin!" nagtawanan tuloy lalo ang lahat dahil sa inasta niya kaya natawa na rin ako.


*****

'Di nagtagal lumipas ang maghapong bonding ng mga King dito sa bahay pero hindi na rin sila nagtagal at nagpaalam na rin sila. Maggagabi na rin kasi. Nagkamayan sila at nakikipagbeso sa akin pero hinarangan 'yon ni Ozu lalo na kay Ezikiel.

"Bye, Pangit," pang-aasar pa nila kay Ozu kaya hinahabol niya ang mga 'to ng hampas.

"Ano ba! Sinabi nang ako lang tatawag sa kanya ng Pangit!" naasar niyang sabi.

"Bye, Pinuno!" huli pa nilang pang-aasar kay Ozu samantala kumaway nalang ako sa kanila.

Tuluyan na ngang nakaalis ang mga King.

"Hoy Pangit! 'Wag mong kakausapin 'yon si Ezikiel nang hindi ako kaharap!" bigla niyang sabi.

Pero ang weird niya talaga ngayon kaya iniwan ko na siya at hindi kinausap.

"Hoy Pangit! Kinakausap pa kita!" Hindi ko siya pinapansin kaya hinahabol niya ako at kinukulit.

"Kapag nakita kong kausap mo pa 'yon si Ezikiel na hindi ako kaharap you're dead!" Pero nakukulitan na talaga ako sa kanya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Ozu Kang ano ka ba naman! Hindi na mauulit 'yung dati kaya puwede ba, 'wag ka namang masyadong mahigpit sa akin?! Tch!" Nasigawan ko siya.

"Mahigpit ba 'yon, ha? Ayoko lang na dumi-dikit-dikit siya sa 'yo!"

"Eh, anong magagawa natin kaibigan mo siya, gano'n din naman ako!"

"Basta ayoko! Naiintindihan mo?"

"Puwede ba Ozu Kang tumigil ka na nga! Nakukulitan na ako sa'yo! Nagseselos ka ba, ha?" tinarayan ko siya.

"Oo nagseselos ako! May problema ka?" Natahimik ako sa sinabi niya kaya umakyat nalang ako sa kuwarto at nilocked ang pinto.




OZU'S POV

Umakyat siya sa taas at iniwan ako ritong mag-isa sa sala, "Hay! Pambihira. Sige! 'Wag mo akong pansinin, tch!"

Sinipa ko ang sofa sa sobrang inis ko. Damn it!



Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon