Chapter 16

53.8K 1.9K 51
                                    

Chapter 16


Mapang-asar pa ring nakangiti sa akin si Ozu hanggang ngayon habang kumakain kami rito sa restaurant. Ang lakas talaga ng toyo niya ngayong araw. Hindi ko nalang siya pinansin at kumain nalang ako nang kumain.

"Pangit, say—aaaa!" Pinapanganga niya ako dahil gusto niya akong subuan.

"Nek, nek, mo! Pagkatapos ng ginawa mo sa akin? 'Wag mo akong kakausapin, hmp!" Inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako.

"Ano ba'ng gusto mong gawin ko para hindi ka na magalit sa akin? Magcu-cute in a version ba ako rito?" sabi niya nang may halong pang-aasar.

"Bahala ka kung anong gusto mong gawin!" patuloy ko rin siyang tinatarayan. "Mag-ccr lang ako," pagpapaalam ko sa kanya. Tumango lang siya habang natatawa.

Pagpunta ko sa cr hindi ko inaasahan na may mababangga akong isang matandang babae na ang edad ay nasa 50's—'yon ang sa tingin ko. Pero ang weird niya nga lang dahil itim ang lahat ng kasuotan niya at balot na balot din siya.

"I'm sorry po," paghingi ko ng tawad.

Aalis na sana ako nang bigla niya akong hawakan sa kamay, kasabay no'n ang pagtingin niya sa palad ko.

"Mag-iingat ka sa babaeng nasa paligid mo," pagbabanta niya.

"Po?" kaya mabilis akong nagtaka. "'Yung dinadala mo sa sinapupunan mo, ingatan mo."

"Pangit?" nagulat naman ako nang marinig ko ang boses ni Ozu mula sa likuran ko kaya nilingon ko siya.

Sinundan niya pala ako rito pero pagkakita niyang hawak ng matanda ang tiyan at ang palad ko bigla niya akong hinatak papunta sa likuran niya.

"Anong ginagawa mo sa asawa ko?" sabi niya rito sa matandang babae pero tinitigan lang siya nito mata sa mata.

"Mag-iingat kayo," ito ang huli niyang sinabi sa amin matapos namin siyang iwanan do'n.


*****

ILANG minuto pa ang lumipas tuluyan na nga kaming nakaalis do'n sa restaurant. Nandito na kami ngayon sa loob ng kotse at tinatahak ang kahabaan ng highway.

Nakahawak lang ako ngayon sa tiyan ko. Aaminin kong napaisip ako sa mga sinabi sa amin ng matanda kanina.

"Pangit," tawag sa akin ni Ozu habang nagmamaneho siya. "'Wag mong alalahanin 'yung matandang babae na 'yon. I think she's crazy, wala sa matinong pag-iisip," tumango nalang ako sa sinabi niya.

Ang inaalala ko lang naman ay 'yung nasa loob ng tiyan ko. Curios din kasi ako kung may nabuo nga ba talaga kami ni Ozu. Pero sabi ng matanda ay nasa panganib daw ito. Napalalim tuloy ako ng hininga.

"Pangit," muli niyang tawag sa akin kaya nilingon ko na siya.

Hinawakan niya ang tiyan ko na siya kong ikinatitig sa kanya. Siguro napansin niyang kanina pa ako nakahawak at nakatingin dito.

"Kung may laman man 'yan, masaya ako ro'n," nakangiti niyang sabi habang patuloy sa pagmamaneho kaya napangiti na rin ako.

Tinititigan ko lang ang mukha niya habang kaliwa't-kanan ang pagtingin niya sa side mirror.

Sa tingin ko magiging masaya nga talaga siya kung may laman na 'tong tiyan ko. Nararamdaman ko naman kasi 'yon ngayon, e. Nakalimutan ko tuloy na galit ako sa kanya kanina.


💕


Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon