Chapter 41

49.2K 1.6K 203
                                    

Chapter 41

MOIRA'S POV

Matapos gawin ni Ate Mimiang bagay na 'yon, biglang tumayo si Ezikiel at hinila niya ako papalabasnitong Hospital. "E-Ezikiel... n-nasasaktan ako," sabi ko sa kanya perotuloy-tuloy pa rin niya akong hinihila palayo. Wala siyang pakialam kongmasaktan niya ako.


At nang marating namin ang terrace tinulak niya ako at halata ang galit sa mukha niya. Nakita ko ang paglalim niya ng hininga. "Ezikiel, please, sana 'wag kang magalit sa akin." Muli kong sinubukan na magmakaawa sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin.


"Sa tingin mo hindi ko gagawin 'yon?"

Natahimik nalang ako sa sinagot niya. "Ito lang ang sasabihin ko sa 'yo, Moira. Once na mawala ang baby nina Ozu at Crystal, hindi ko na itutuloy pa ang relasyon natin at lalong-lalo na hindi na tayo ikakasal."

Halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang sabihin niya 'yon sa akin. Tulala akong naupo sa bench. Hindi na rin ako nakapagsalita. "Ngayon, ipagdasal mong hindi mangyari ang bagay na 'yon." Tinalikuran na niya ako at hindi ko na siya nagawang pigilan pa.

"Moira..." rinig kong boses ni Nana at tumabi siya sa akin sabay yakap. Hindi na napigilan pa ng mga luha ko kaya napahagulgol na ako sa balikat niya.

*****

APAT na oras na ang lumipas naghihintay pa rin kaming lahat sa resulta ng kalagayan ni Crystal. Dumating na rin ang Mama Adelfa at Tiya Belen niya.

Tahimik kaming lahat ngayon na nagdarasal para sa kaligtasan niya. Nasa isang tabi lang kami ni Nana samantala si Ozu hindi pa rin niya magawang kumain.

Nang biglang lumabas ang doctor mula sa E.R.





OZU'S POV

Napatayo kaming lahat nang lumabas ang doctor ni Crystal mula sa E.R. "Sino po si Mr. Ozu Kang?" tanong niya kaya agad akong lumapit sa kanya.

"How's the condition of my wife and our baby? Are they okay? Tell me?" deretsuhan kong tanong. Ni hindi ko na nagawang magpakilala pa. Nasa likuran ko lang ang mga Ate ko.

Pero ang hindi ko lubos maintindihan ay kung bakit hindi magawang tumingin sa akin ng deretso itong doctor. Parang hindi siya makapagsalita sa harapan ko.

"Magsalita ka! Anongnangyari sa kanila?!" Nakuwelyuhan ko siya dahil sa galit ko.

"Ozu, relax ka lang."

"Ozu, huminahon ka."

Pilit akong kinakalma ng mga King. Pinipigilan nila ako ngayon.

Patuloy kaming nag-aabang sa kung anong sasabihin ng doctor pero bakit gano'n ang mukha niya? Tapos napayuko pa siya.


.........."I'm sorry Mr. Ozu Kang. Hindi po namin nagawang iligtas ang mga magiging anak ninyo."

Halos huminto ang mundo ko sa narinig ko. Natulala ako habang unti-unti napapaupo sa sahig at parang nanghihina ako.


Nagulat din ang lahat dahil hindi namin inaasahang marinig 'yon mula sa Doctor. Mas lalo yatang tumindi ang pagkaguilty ko sa sarili ko dahil sa nalaman ko.






MIMI'S POV

Anong sinabi niya? Ibig sabihin naagasan ng tuluyan si Crystal?

Nang mapatingin ako kay Ozu halos mapaupo siya sa sahig at umiiyak siya. Inaalalayan siya ng mga King dahil natulala siya.

"Pero Doc, ang anak ko? Kumusta po ang kalagayan niya?" tanong ni Tita Adelfa, ang Mama ni Crystal.

"Hindi pa po namin masasabing okay ang pasyente. Kailangan po niyang sumailalim sa Raspa procedure dahil sa dugong natitira mula sa tiyan niya."

"Please, gawin n'yo po ang lahat para maging okay ang kalagayan ng anak ko."

"Gagawin po namin ang makakaya namin kaya't 'wag po kayong mag-alala. This time, ipagdasal n'yo po ulit ang pasyente na makaligtas siya."

Matapos 'yung sabihin ng doctor inilabas ng mga nurse si Crystal sakay ng stretcher kaya nakita namin ang kalagayan niya. Namumutla siya at walang malay.

"P-Pangit?!" bulalas ni Ozu sabay lapit kay Crystal at hinawakan niya ang kamay nito at hinahalikan niya. Sumusunod kami kung saan nila dadalhin si Crystal ngayon. "Please, 'wag kang bibitaw, mahal na mahal kita," umiiyak na sabi ni Ozu.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko kaya kusa nalang din akong napaluha. Nakita naming pinasok si Crystal sa isang operation room at pinigilan na kaming makapasok pa ro'n sa loob.

Nilapitan naman namin si Ozu para maalalayan siya pero bigla siyang nagwala dahilan para magkagulo rito.

"Aaah!" Hinawi niya ang lahat ng upuan at mga gamit na nakikita niya.

"Ozu! tama na 'yan!"

"Tumigil ka na, Ozu!"

"Ozu! Huminahon ka lang ano ka ba?!"

Inaawat siya nina Ezikiel, Darren, at Zyren, tapos bigla siyang napayakap sa mga ito. Samantala kami nag-iiyakan na rin dahil sa pangyayari.






Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon