Chapter 68

44.9K 1.4K 19
                                    

Chapter 68

EHDREY'S POV

Nagdarasal ako sa mga oras na 'to ngayon dahil nga kasama ko ngayon si Zyren dito sa iisang kuwarto. Hindi lang ako kampante dahil doon sa mga nangyari sa amin nitong mga huling araw. Isa pa, nakainom sila ng mga King. Maaaring may gawin siya sa akin na hindi maganda kaya ako na mismo 'yung kusang lumayo sa kanya. Sampung minuto palang ang itinatagal naming magkasama rito sa loob pero kinakabahan na ako.

Oo gusto ko si Zyren pero nakakakaba pa rin siyang kasama. Isa pa, lalaki siya.

Nang biglang umikot 'yung paningin ko kaya napahawak ako sa ulo ko. Sigurado akong dahil ito sa alak na ininom namin kanina. Kung hindi lang ako nakikisama sa kanila hindi naman ako iinom ng alak.

"Ehdrey," narinig kong boses ni Zyren. Hindi ko alam kung may kailangan siya sa akin pero 'wag naman sana niya akong lapitan.

"Bakit?" Nananatili pa rin akong nakahawak sa ulunan ko. Hindi ko siya tinitignan.

"Sa tingin ko ***"

Tama ba 'yung narinig ko? Pero hindi—nahihilo lang kasi siguro ako. Hinding-hindi naman siya magkakagusto sa akin kahit kailan. Ngayon ay napalingon na ako sa kanya. Pero malabo na yata 'yung paningin ko kasi nagdodoble na ito. Tinamaan yata talaga ako sa ininom naming alak kanina kahit na dalawang baso lang 'yon.

Nang makita kong lumalapit siya sa akin bahagya ulit akong lumayo. "Z-Zyren... 'wag kang lalapit sa akin."







ZYREN'S POV

This is crazy! Parang gusto ko na siyang lapitan ngayon para sabihin ko na sa kanyang nagkakagusto na ako sa kanya. Oo magtatapat na ako sa kanya kahit na first time ko lang 'tong gagawin. Stupid! Kailan pa ba ako tinamaan ng ganito sa isang babae?

"Ehdrey, sa tingin ko, mahal na kita." Pagkasabi ko no'n binalewala niya lang 'yung sinabi ko kaya lumapit na ako sa kanya. Nakatungo kasi siya at nakahawak sa ulo niya. Sa palagay ko nahihilo siya dahil sa pinilit siyang pinainom nina Ate Mimi kanina ng alak.

"Z-Zyren... 'wag kang lalapit sa akin," sabi niya pero hindi ko pinansin 'yon.

"Hey! E-Ehdrey, are you okay?" I asked her.

Nag-aalala lang ako sa kanya pero damn it—hilong-hilo na rin talaga ako. Nakailang bote kami ng mga King kanina plus 'yung amats ko pa kagabi.

Gusto ko kasi siyang alalayan para sana makahiga na siya sa kama at makapagpahinga na siya. Hindi ko naman siya tatabihan dahil sa sahig nalang ako matutulog. Nag-aalala lang talaga ako sa kanya.

Pero nang mapatingin ako sa labi niya parang nakakaisip ako na halikan 'yon pero agad kong pinigilan ang sarili ko dahil lasing ako at ayokong may mangyaring hindi niya magugustuhan.

Hinawakan ko siya sa braso niya. "H-Halika, dito ka nalang sa kama matulog. 'Wag kang mag-alala aalalayan lang kita," ani ko.

Pero pilit pa rin siyang pumipiglas sa akin. Pero nanatili ko pa rin siyang hawak sa braso niya. Pero nang hawiin niya ako ng malakas at dahil hindi ko pa rin siya binibitawan, pareho kaming napahiga sa kama dahilan para umibabaw siya sa akin.

Mas lalo yata akong nahilo dahil sa pangyayaring 'yon. Naalog ang utak at paningin ko. Pero nang mapadilat ako ng mga mata nakita kong gulat pala siyang nakatingin sa akin ngayon kaya nagkatitigan kaming dalawa.

Hanggang sa muli kong nakita ang mapupula niyang labi kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi siya mahalikan.

Naging mahina ako sa part na 'yon. Ilang beses ko namang pinigilan ang sarili ko pero anong magagawa ko naaakit talaga ako sa kanya tapos gusto ko na rin siya. Mahal ko na siya. Pero bakit sa ganitong pagkakataon pa na lasing ako? Mahirap control-in ang sarili ko kapag ganito ako.




EHDREY'S POV

Muli akong hinalikan ni Zyren sa mga oras na 'to ngayon. Oo nahihilo lang ako pero alam ko pa 'yung mga nangyayari sa amin ngayon.

Gusto ko siyang hawiin pero hindi ko alam kung bakit parang hindi ko naman 'yon magawa.

"Z-Zyren..."

Nanlaki ang mga mata ko dahil siya na ang umibabaw sa akin ngayon. Tapos tinuloy pa rin niya ang mga paghalik sa akin.

Hindi ako makatakas.

Napapikit ako ng mariin at napahawak sa damit niya lalo na nang bumababa na 'yon. Para na akong nadadala. Hindi ko na siya mapigilan pa.




Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat! 

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon