Chapter 46
OZU'S POVNang makalusong ako sa dagat agad ko siyang hinanap.
Damn it! Crystal, nasaan ka na?
Lumubog na kasi siya kanina nang papatakbo palang ako rito.
Hanggang kailan ba siya magiging ganito? Hindi na ba siya babalik sa dati?Nang makita ko siya wala na siyang malay kaya agad ko siyang hinila papunta sa lupa.
"Crystal! Gumising ka!" sumisigaw na ako. Binigyan ko na rin siya ng Cardiopulmonary resuscitation. "Damn it! Gising!" kinakabahan na ako dahil hindi siya nagigising. "Please, Crystal! Gumising ka!" napapaiyak na ako dahil nanghihina na rin ako.
"Ozu?!" si Zyren.Dumating na sila ni Darren.Tinawagan ko kasi sila kanina nang mataranta ako sa paghahanap ko kay Crystal.
"Ozu! Anong nangyari?!" nag-aalala namang sabi ni Darren nang makalapit sila sa amin.
"H-Hindi puwede! Crystal!"Hindi ko sila nasagot dahil patuloy pa rin ako sa pagbibigay ko ng hangin kay Crystal.
Please! Gumising ka na! Hindi ka puwedeng mawala.
"Pangit, pakiusap, gumising ka!" Nangangatog na ako dahil sa lakas ng hangin. "Gumising ka na!"
"Oho! oho!" Nang bigla siyang maubo kaya agad ko siyang niyakap.
"Damn it! Damn it! Bakit mo ba ginawa 'yon? Iiwan mo na ba ako, ha?!" bulyaw ko sa kanya habang umiiyak. Pinag-alala niya ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mawala siya sa akin.
"Ozu Kang..." nanghihina niyang bigkas.
Halos matabunan ng luha ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. "Please Crystal, bumalik ka na sa dati. Hirap na hirap na ako. Ayoko nang nakikita kang ganito. Paano na ako, ha?! Paano na tayo?!"Nananatili lang siyang nakatingin sa akin hanggang bigla siyang matauhan dahil sa luha na pumatak sa kanya dahilan para yakapin ko siya.
"Nakikiusap ako sa 'yo, bumalik ka na sa dati," pagmamakaawa ko pa.
"I'm sorry..." Niyakap niya rin ako pabalik at nag-iiyakan kaming dalawa.
"Ozu, pumasok na tayo sa bahay n'yo. Baka magkasakit pa kayo niyan," suhesyon ni Darren kaya binuhat ko na si Crystal.
Nang makapunta kami sa loob ng bahay agad kaming nagbihis.Ilang minuto rin naman ay nakatulog na siya kung kaya't bumaba na ako ng sala, kung saan nandon sina Darren at Zyren ngayon.
"Ozu, okay na ba siya?" tanong ni Zyren nang makita nila ako pagbaba ko.
"Oo, okay na. Natutulog na siya." Naupo ako sa sofa habang salo ang ulunan ko. Napahilamos pa nga ako sa palad.
"Magpahinga ka na kaya," ani Darren pero umiling lang ako.
"Hindi. Hindi pa naman ako inaantok. Uminom muna tayo."Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tatlong baso at isang bote ng wine. Uminom ako nang makabalik muli rito sa puwesto ko.
"Nahihirapan na ako."
DARREN'S POV
"Nahihirapan na ako," sabi ni Ozu kaya napatingin kami ni Zyren sa kanya.
"Ozu, ano ba'ng sinasabi mo riyan? Hindi ka dapat sumuko," ani Zyren. "Ikaw ang lakas ni Crystal, kapag na wala ka, mas lalo siyang kawawa." dugtong pa niya.
"Tama si Zyren. Isa pa, hindi pa naman huli ang lahat, magkakaanak pa naman kayo niyan."Napaiyak siya matapos naming sabihin 'yon. Tinabihan namin siya at dinamayan.
"Ozu, natural lang 'yung pagsubok sa isang relasyon. Ano ka ba? Kaya n'yo 'yan." Zyren.
"Magbakasyon kaya muna kayo ni Crystal. Baka bumalik siya sa dati kung sakaling nasa tabi mo siya araw-araw. Kahit na isang buwan lang o kaya hanggang bumalik 'yung dati niyang sigla."
Napatingin siya sa akin nang sabihin ko 'yon."Tama 'yung suggestion ko 'di ba? Saan n'yo ba gustong pumunta? 'Wag mong alalahanin 'yung Kang Tower dahil marami kaming puwedeng humalili ro'n."
"Ozu, agree ako sa sinabi ni Darren kaya ako nang mag-aasikaso no'n. Saan n'yo ba gustong pumunta mamili ka. Sa Paris, America, Korea, Japan, London?"
Hindi siya makapagsalita sa sinabi namin ni Zyren."Ganito, pag-isipan mo munang mabuti ang tungkol dito. Contact-in mo lang kami kapag nakapagdesisyon ka na tapos kami nang bahala ro'n. Saka natin ipaalam kina Ate Mimi ang tungkol dito kapag nakapagdesisyon ka na."
Hindi siya sumagot pero tumango lang siya. Tumigil na siya sa pag-iyak. Sa tingin namin pinag-iisipan na niya 'yung mga suggestion namin ni Zyren.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Teen FictionBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle