Chapter 79

48.5K 1.5K 42
                                    

Chapter 79


Makalipas ang tatlong buwan...

TERZO JOONG'S POV

Halos ilang buwan ko ng hinahanap 'yung pendant. Napakahalaga ng bagay na 'yon para sa akin dahil sa anak namin 'yon na si Shaira. Hindi ko alam kung kaninong babae niya ibinigay 'yon. Nawala na talaga siya sa katinuan niya.

Habang nasa sasakyan kami hindi ko maiwasang hindi magpalinga-linga sa mga tao..

"Stop!" turan ko.

"Yes, Master?" wika ni Patzu ang pinakabata kong kanang kamay.

Hindi ko alam kung tama ba ang nahagip ng mga mata ko ngayon-ngayon lang. Isang magandang babae ang nakasakay sa pula na kotse ang nakita kong suot ang pendant ng anak ko, 'yung matagal ko ng hinahanap ko.

"Sundan n'yo 'yung pulang kotse. Bilisan n'yo!" utos ko.

"Yes, Master!"





OZU'S POV

Habang nagmamaneho ako kasama si Crystal parang napapansin kong kanina pa may sumusunod sa amin na isang itim na van. Malapit na kami sa bahay pero ililigaw ko na muna sila.

"Ozu Kang, bakit tayo nag-iba ng daan?" Napansin ito ni Crystal pero hindi ko siya sinasagot.

Minamatyagan ko pa rin ang nakasunod sa amin.

Nang lumiko ako nakasunod din 'yon kaya napakunot-noo na ako. Hindi ko alam kung anong nilalaman ng van na 'yon.

"Pangit, tawagan mo ang mga King bilis!" Nagtataka na rin siya ngayon dahil nakikita na niya iyong van na sumusunod sa amin.

"S-Sino 'yung mga 'yon, Ozu Kang?"

"Bilis na! 'Wag ka nang magtanong at tawagan mo na sila. Sabihin mong puntahan nila tayo sa East Drive ngayon na!"

"Oo! Oo!"

F*! Anong kailangan nila sa amin?

Pinaharurot ko 'yung sasakyan ng mabilis. Mukhang alam na rin nilang alam ko na sinusundan nila kami. Habang kausap ni Crystal ang mga King tuloy lang din ako sa pagdarasal.

Hindi ko hahayaang mapahamak ang mag-iina ko.

"Damn it!" Mabilis kong naipreno ang kotse ko nang may isa pang itim na van ang humarang sa amin ngayon.

Muntikan na akong mapasubsob sa manibela ko pero si Crystal agad ang inalala ko.

"P-Pangit, ayos ka lang ba, ha? Wala bang masakit sa 'yo?" Nakita kong napahawak siya sa tiyan niya.

"A-Ayos lang ako. 'Wag mo akong alalahanin. Pero sino 'yung sakay ng mga van?" gulat kaming pareho na napatingin dito.

May mga nakamotor pa silang mga kasama. Mga nakaitim sila at may mga armas na hawak.

Tumambad sa amin ang isang grupo ng mga kalalakihan nang lumabas sila mula roon sa van.

"Gangsters..." bigkas ko.

Anong gusto nila sa amin?

Hindi ko mahahayaan na mapahamak si Crystal lalo na at may mga bata sa sinapupunan niya. Ibibigay ko ang lahat ng gusto nila huwag lang nila kaming sasaktan.

Nakatingin lang kami sa kanila ngayon habang nananatili kaming nasa loob lang ng kotse.

"C-Crystal, kahit anong mangyari 'wag na 'wag kang bababa rito. Naiintindihan mo ako?" Tinanggal ko na ang seat belt ko.

"S-Sandali, saan ka pupunta? 'Wag kang bababa. Nakikiusap ako sa 'yo Ozu Kang baka mapahamak ka lang!"

Mabilis niya akong hinawakan sa braso ko at bakas sa mukha niya ang pag-aalala kaya hinarap ko siya. Hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Wag kang matakot. Hangga't kasama mo ako walang mangyayari sa 'yong masama. Naiintindihan mo? Mahal na mahal kita. Poprotektahan kita, kayo ng mga magiging anak natin."

Hinalikan ko siya sa noo niya at pilit kong hinawi ang mga kamay ko dahil ayaw niya talaga akong bitiwan.

"O-Ozu Kang, pakiusap 'wag ka ng lumabas," mangiyak-ngiyak pa niyang sabi pero hindi ko na siya nilingon pa.

Sinarado ko na 'yung kotse at lumapit sa isang grupo ng mga gangsters. Tinaas ko 'yung mga kamay ko nang tinutukan nila ako ng baril sa ulo.

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon