Chapter 62
Kinabukasan...
Nakapagligpit na kami ng mga gamit namin ni Ozu at ready na kaming bumalik ngayon sa Pilipinas.
Pinagmasdan muna namin ang kapaligiran nang naging kuwarto namin dito sa Paris for three weeks matapos ay nagkangitian kaming dalawa.
"Let's go?" anyaya niya kaya sinakbit ko na ang kamay ko sa braso niya.
Mamimiss ko ang Paris dahil dito kami sabay bumuo ng pangarap ni Ozu na magkaroon ng anak. Hinding-hindi ko makakalimutan ang masasayang alaala namin dito.*****
Makalipas ang mahabang oras, ligtas kaming nakauwi rito sa Pilipinas.
Alas diyes na ng gabi ang oras ngayon dito .
Nakita kong nakangiti si Ozu nang ilibot niya ang tingin sa buong bahay namin kaya napangiti na rin ako. "Namiss ko 'tong bahay natin," aniya.
"Ako rin," kaya sumagot agad ako.
OZU'S POVKinabukasan, pagkagising ko nagulat ako nang wala na si Pangit sa tabi ko kaya agad akong bumangon para hanapin siya. I want to check her kung nasaan siya at kung okay lang ba siya.
Pagbaba ko papuntang kusina nakita ko siyang nagluluto at kumakanta siyang dahilan para mapangiti ako. Bumalik na nga talaga siya sa dating siya.
Nilapitan ko siya at niyakap habang nananatili siyang nakatalikod. "Good morning." I said to her in a sweet voice sabay halik sa pisnge niya. I don't care kung nagluluto siya ang importante nalambing ko siya ngayong umaga.
"Ozu Kang..." bigkas niya pero hindi ako nagsasalita basta ang gusto ko lang yakapin ko siya. "Hay! Ang lambing talaga ng asawa ko." Humarap siya sa akin at niyakap na rin niya ako na siya kong ikinapikit. Dinama ko 'yon.
Gusto kong iparamdam sa kanyang nandito lang ako palagi para sa kanya kahit anong pagdaan naming trials sa buhay dahil mahal na mahal ko siya.Ilang minuto rin ang itinagal ng sweet morning namin tapos no'n nagpaalam ako sa kanyang pupuntahan ko ang mga King at makikipagkita ako sa kanila.
*****Nagulat ako nang ganito kaaga sa BAR ko natagpuan itong dalawang ugok na sina Darren at Zyren.
"Hoy! Darren, Zyren," mga nakatungo sila at mukhang lango sa alak. Inuga ko sila pero hindi sila nagigising.
"Ozu?"
Napalingon naman ako nang marinig ko ang boses ni Ezikiel sa likuran ko. Sandali kaming nagkatitigan hanggang sa nakaupo na kaming pareho ngayon sa sofa. Magkatabi kaming dalawa.
Simula nang itinulak ni Moira si Crystal dahilan para malaglag 'yung magiging anak sana namin hindi na kami nagkikibuang dalawa.
"About do'n sa pangyayari hindi pa ako nakakahingi sa 'yo ng tawad sa ginawa ni Moi—"
"Wala ka namang kasalanan," putol ko sa sinasabi niya.
Napayuko siya bigla. "Salamat," maiksi niyang tugon.
"By the way, hindi mo na talaga itutuloy 'yung kasal n'yo?" Umiling lang siya.
"Pupunta ako bukas ng Amerika."
"Ha?" gulat ko. "For what?"
Nginitian niya ako. "May tatagpuin lang ako."
"Sino naman 'yan?"
Ngumiti lang ulit siya. "Ah! Naglilihim ka na sa akin," kantsaw ko sa kanya.
"Si Jamie."
Napaisip ako sa binanggit niyang pangalan. "Jamie Shin?" bigkas ko.
Sa pagkakaalam ko isa siya sa mga kaibigan ni Moira at mas nauna niyang nakilala 'yon kaysa kay Moira dati.
"Yup," sagot nito.
"Teka? 'Wag mong sabihing... kayo na?"
"Hindi pa naman," nakangiti niyang sabi sabay lihis ng tingin.
"Woah! At least, masaya na ako para sa 'yo, Best friend."
Nang bigla niya akong binatukan.
"Ugh! Damnt it! Ang sakit no'n ah! Para saan naman 'yon?" Binatukan ko rin siya. Pareho na kaming nakahawak sa mga ulo naming dalawa ngayon sabay tawanan.
"I hate you best friend," biro niya.
"I hate you too," mabilis kong sagot.
"Pinuno..."
Nagulat naman ako nang biglang may magsalita malapit sa tagiliran ko. Paglingon ko sina Zyren at Darren na parang sinakluban ng langit at lupa. Ang lalaki ng eyebags nila habang dahan-dahang lumalapit sa amin."T-Teka! Ano bang nangyayari sa mga 'to, Ezikiel?" Lumipat ako sa gilid niya.
"Babae," maiksing niyang sagot.
"Babae?" naguguluhan ako sa kanya.
"Si Darren kay Sophia, at si Zyren kay Ehdrey."
"At sino naman 'yung mga 'yon? Bago nilang mga babae?"
"Mahal ko na siya Pinuno~" sabi ni Darren sabay yakap sakin.
"Hoy! Ano ka ba? Bitawan mo nga ako!" Angal ko."Pinuno~ tinamaan ako sa kanya. Anong gagawin ko?" sabi naman ni Zyren sabay hila sa jacket ko.
"Ugh! Mukhang nakahanap na kayo ng mga katapat ninyo. Ano ba! Bitiwan n'yo nga ako!"
Halos hubarin na nila 'yung suot ko kakahila nila. Samantala itong si Ezikiel tinatawanan lang kami kaya hinampas ko siya.
*****LUMIPAS ang kalahating oras pinagbihis at pinaligo ko na muna 'tong dalawa dahil sa amats nila—amats sa mga babae. Hindi ako makapaniwala na si Balat ay si Sophia. Nakita ko na rin 'yung mga magazine niya gano'n din 'yung babaeng sinasabi ni Zyren na si Ehdrey. Maganda rin siya at sa tingin ko puwede ring maging model.
Nandito kami ngayon sa isang restaurant para kumain. Na miss ko rin kasi 'tong mga ugok na 'to kaya niyaya ko sila. Lalo na at paalis pala si Ezikiel bukas. Nang makatanggap ako ng text message mula kay Crystal na magkikita raw sila ngayon nila Sophia sa Shining Company.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Teen FictionBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle