Chapter 30
OZU'S POV
Unti-unti nagigising ako. Pagkatingin ko sa orasan 6:30 na pala nang gabi. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako rito sa office ko. Naalala kong nahilo ako kanina pero hindi ko alam kung anong dahilan no'n.
Pagbangon ko nakita kong may mga pagkain na nakahain sa lamesa na siya kong kinagulat. Pero isa lang naman ang alam kong gumagawa nito palagi rito sa office ko.
Pagkatingin ko sa office desk ko nando'n si Pangit. Tama nga ako ng hinila nandito siya. Nakatungo siya habang may hawak pang ballpen. Mabilis akong tumayo para lapitan siya.
Hinubad ko 'yung coat ko at binalot ko 'yon sa kanya. Hindi ko man lang namalayan na naparito pala siya. Pinagmamasdan ko lang ang mukha niya ngayon habang nakangiti. Tapos no'n hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi siya halikan.
CRYSTAL'S POVNagising ako nang parang may dumampi sa labi ko. Pagkadilat ko ng mga mata nakita ko ang malapit na mukha ng asawa ko sa akin habang nakapikit pa ng mga mata.
Nakahalik siya sa akin ngayon na siyang nagpakilig sa pagkakagising ko."Gising ka na," sabi niya nang itigil niya ang paghalik sa akin.
Malambing ko siyang binigyan ng mga ngiti at tumayo na rin ako. Lumapit ako sa kanya at sinakbit ko ang mga kamay ko sa batok niya. Gusto ko lang maglambing sa kanya.
Magkatitigan kaming dalawa ngayon nang maramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko. Sa ngayon, parang magsasayaw 'yung pusisyon namin. Actually, parang magkayakap na nga kami dahil sobrang lapit niya sa akin.
"I love you." He said kaya mabilis ko rin siyang sinagot ng I love you too tapos no'n niyakap niya ako ng sobrang higpit na ikinatuwa ko ng husto.
Ang lambing niya talaga everyday kaya kinikilig ako palagi. Hinalikan pa niya ako ngayon sa noo ko kaya lalo akong napangiti.
Nang biglang may kumatok kaya kaagad akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. Medyo nastorbo kami sa sensasyong 'yon.
Pumunta ako sa lamesa at pakunwareng inaayos ko 'yung mga pagkain namin. Tapos siya naman pumunta sa office desk niya."Come in!" aniya.
"Sir, Ma'am, good evening po," bati ni Kyle nang pumasok ito rito habang may dalang isang boquet ng bulaklak.
"Hala! Kanino 'yan?" Hindi ko na naiwasang hindi magtanong. Napakaganda ng mga bulaklak. Pulang-pula ang mga kulay nito at sa tingin ko pa sobrang bango no'n.
Walang sumagot sa kanilang dalawa. Kinuha 'yon ni Ozu at nilapag sa table niya. Mabilis namang nagbigay galang sa amin si Kyle saka ito tuluyang lumabas.Nang kuhain muli 'yon ni Ozu nagtataka ako nang iabot niya sa akin 'to. "Hala! Para ba sa akin 'to?" gulat kong sambit kasabay ng pagngiti ko.
Tumango naman siya. "Happy Valentine's day, mahal ko," sabi niya sa akin sabay halik sa kanan kong kamay na siya kong ikinamula.Nagulat ako dahil bakit hindi ko man lang namalayan na Valentine's day na pala ngayong araw? Gano'n na ba talaga ako kabusy ngayon?
"I love you," dagdag pa niya na mas lalong nagpamula sa akin. Kinikilig ako ngayon.Mayamaya pa hinigit niya ang bewang ko tapos agad niya akong hinalikan na siya ko rin namang tinugunan. Ilang minuto rin ang itinagal no'n hanggang sa niyaya na niya akong magdate raw kami.
Hindi niya raw palalampasin ang araw na 'to dahil nga first time naming magce-celebrate ng Valentine's day bilang isang married couple.
"Si Miss Crystal Kim 'yon 'di ba?"
"Oo saka si Mr. Ozu Kang."
"Ang sweet naman nila."
"Oo nga! Kinikilig tuloy ako ano ba 'yan."
"Hala. Nakakakilig naman sila."Narinig naming bulungan ng mga kasabayan naming kumakain dito sa isang exclusive restaurant. Sinusubuan kasi ako ngayon ni Ozu sino ba ang hindi kikiligin kahit pa napakadaming tao ang nandito ngayon hindi niya ikinahihiya 'yon.
Hanggang sa niyaya na rin niya akong sumayaw dahil nga may pa-sweet dance ngayong araw itong restaurant sa mga couples na nandito ngayon dahil nga valentine's day.
Sobrang saya talaga ng gabi ko ngayon at dahil 'yon kay Ozu. Hinding-hindi ko makakalimutan itong unang Valentines day namin bilang mag-asawa.
Hanggang sa makauwi na kami sa bahay, nandito kami ngayon sa kuwarto namin. Nasa loob siya ng cr at naghahalf bath samantala ako—nililigpit ko iyong mga pinag-iwanan niyang mga suot niya kanina na nagkalat dito sa buong kuwarto namin.
Mga lalaki talaga. Napailing nalang ako dahil kahit pati medyas niya niligpit ko pa. Hanggang sa nalaglag 'yung polo niyang hawak ko kaya agad ko 'yung pinulot. Pero laking gulat ko nang makita ko ang ilalim ng kuwelyo niya na may red lipstick at hugis lips 'yon.Hindi ko alam kung bakit hindi ko ito napansin kanina.
Bigla tuloy akong kinabahan sa nakita ko ngayon dahil hindi ko naman ito lipstick. Isa pa, hindi ko naman siya hinalikan dito kanina para magkabakat 'yon dito.
Napapaisip tuloy ako ngayon habang nakatitig dito sa white polo niya. Magkasama naman kasi kami kanina doon sa loob ng office niya kaya nagtataka talaga ako. Mga apat na oras lang ang hindi namin pagsasama kanina dahil nga nasa Shining Company pa ako no'n.
Narinig kong biglang bumukas 'yung pintuan ng cr at lumabas na siya kaya binalewala ko 'yung nakita ko at hindi nagpahalata sa kanya.
Lumabas muna ako ng kuwarto namin para ilagay 'yung mga damit na marurumi sa labahan pero dahil curious nga ako—inamoy ko pa ito pero iba ang amoy nito. Oo mabango at pambabae pero hindi naman sa akin 'to.Bumalik na ako ng kuwarto namin habang patuloy na nagtataka pero hindi ko sinabi sa kanya 'yon. Ayoko kasing sirain 'yung magandang gabi namin ngayon. Ayokong magtanong sa kanya.
Napabuntong hininga nalang tuloy ako habang palihim ko siyang tinitignan.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Teen FictionBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle